KIANA MITO"Galing ng laro mo kanina, ah," puri ko kay Miyagi habang naglalakad kami pauwi.
"Aba, ako pa?" mayabang na sagot niya.
"Crush mo raw si Rukawa," natatawang sabi ko kaya bumusangot siya.
Kanina kasi, hindi ipinasa ni Miyagi kay Sakuragi yung bola, kundi kay Rukawa. Kaya ipinairal niya ang pagka-isip bata niya at binwisit si Miyagi na crush niya raw si Rukawa, kahit na ayaw lang naman niyang mabasa ang play nila. Ine-expect na kasi nung kalaban na ipapasa niya kay Sakuragi.
"Nakakapikon si Hanamichi kanina, muntik pa kaming mapagalitan ni Coach,"
"Pabayaan mo na, nafoul out na nga yung tao sa first game niya eh." tumawa kaming dalawa. Kanina kasing pauwi kami ay halos hindi maipinta ang mukha niya dahil badtrip siya sa pagkakafoul out niya.
"Oh, pano ba yan, bukas nalang?" sabi ko sakaniya dahil nasa tapat na kami ng bahay namin.
Tumango siya at nagfist bump kami bago siya naglakad papunta sa bahay nila. Papasok na sana ako pero bigla niya akong tinawag.
Tumakbo siya papunta sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Salamat sa kanina, kita tayo bukas." yun lang ang sinabi niya at may inilagay na sobre sa palad ko sabay pasok ng bahay nila.
Nanghihingi ba 'to ng pera?
Pagkapasok ko ng kwarto ay binuksan ko yung sobre. Napangiti naman ako sa laman nito.
Dalawang tickets sa amusement park. Inilagay ko ito sa wallet ko at humarap sa cabinet para maghanap ng maisusuot ko bukas.
Last year, pumunta rin kami sa amusement park pero medyo napaaga ngayon. Pumunta kasi kami noon para magcelebrate ng birthday niya. May palang ngayon, July pa ang birthday ni Miyagi.
Saan niya naman nakuha 'to?
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa cr para magpalit, nagcutting kasi si Miyagi sa last period kaya hindi kami magkasabay. Hindi ko na rin napigilan dahil nagpaalam lang siyang magbanyo at hindi na bumalik.
May practice pa sila ngayon dahil bukas rin ay 2nd game na. Pumunta naman ako kaagad sa locker room at nakita si Miyagi at Mitsui na palabas na.
"Oh, 'di ka na pumasok sa last period." salubong ko sakaniya at sinapok siya kaagad.
Napa-aray naman siya at pinauna si Mitsui. Tumango lang ito at umalis na. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok sa locker room. Sumunod naman sa akin si kulot.
"Dala mo?" tanong niya habang inaayos yung sapatos niya.
Pumunta ako sa isang sulok ng locker room at kinuha yung first aid. Hinablot niya na yung cooler at sabay na kaming lumabas ng locker room dahil magsisimula na ang practice.
"Dala mo nga?" ulit niya.
"Alin? Labo mo kayang magtanong," biro ko.
"Yung ano.. yung binigay ko kahapon," nahihiyang sagot niya pa.
"Pumunta na kami kahapon. Akala ko regalo 'yun? Inaya ko na si Yohei pagka-uwi ko." seryosong sabi ko.
Huminto siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Ano? Ginamit mo na?" malungkot na sabi niya pero tinalikuran ko lang siya at naglakad na ulit papuntang gym.
"Joke lang," sabi ko sakanya at iniwan siya. Dinig ko naman ang pagmamadali niyang makahabol sa akin.
"Buti naman, pinahawak ko lang sayo yun. Kaming dalawa talaga ni Ayako ang pupunta sa amusement park," ramdam ko naman ang ngiti niya habang sinasabi 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/218835565-288-k352761.jpg)
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi