KIANA MITO"Huy, ate." Naramdaman ko ang mahinang tapik ni Yohei sa balikat ko. Hindi ko siya pinansin at natulog pa.
"Ah ayaw mong gumising ah?" Bulong ni Yohei at naramdaman ko na ang malakas na tampa niya sa noo ko.
"ARAY!!" malakas na sigaw ko at tawa lang naman ng tawa si Yohei sabay takbo palabas ng kwarto ko. Bwisit na tukmol yun, ang sakit tuloy ng ulo ko.
Tumayo ako sa kama kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam pero hindi ito dahil sa tampa ni Yohei. Sobrang lamig ng tubig, maliligo pa naman sana ako. Bumaba ako para mag-init ng tubig nang makita ko si Yohei na nags-sapatos na.
"Ang aga mo atang papasok?" mahinang sabi ko sakanya. Nanunuyo ang lalamunan ko at ayokong makipag argumento sakanya kahit na tinampa niya ko ng malakas kanina.
Sumagot siya nang hindi tumitingin sakin,"Tignan mo yung oras. Maaga pa ba— bakit ang putla mo, ate?"
Lumapit sa akin si Yohei at ipinatong ang kamay niya sa noo ko. Ilalayo ko na sana nang hawakan niya rin ang likod ng ulo ko para hindi ko ito maalis.
"Ano ba? Tatampa mo na naman ba sakin yang kamay mo? Isa pa at papatayin na kita." Banta ko sakanya pero hindi siya umimik.
"May lagnat ka ate. Magpahinga ka muna dito sa bahay." Umiling ako at umupo sa may sala. Napatingin ako sa orasan at..
"10AM NA?!" Gulat kong tanong habang nagpigil naman ng tawa si Yohei.
"Sabi ko naman kasi sayo, dito ka nalang muna. Halata namang masama ang pakiramdam mo." Kadalasan ay hindi ako papayag na hindi pumasok ngunit naisip ko nga pala na ako ang magbabantay kay Miyagi mamaya.
"Ipagdadala nalang kita ng ramen mamaya pag-uwi ko galing diyan sa may noodle house. Magpahinga ka muna, ate." Bago pa man siya makaalis ay sumagot na ako.
"Huwag na, Yohei. May pupuntahan ako mamaya, hindi na rin ako papasok. Huwag mo na akong hintayin pag-uwi mo at ipagluluto na kita bago ako umalis." Tumango nalang siya at tuluyan nang umalis. Pumunta ako ulit sa kwarto ko at natulog.
Ipapahinga ko muna itong lagnat para bumaba at makapunta ako kay Miyagi mamaya. Nilagnat yata ako dahil medyo naulanan ako kahapon noong pauwi ako galing sa ospital.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Tanghaling tapat na, alas dos ng hapon. Medyo gumanda na ang pakiramdam ko kaya naman bumaba na ako para magluto.
Nagtext ako kay tita na mas maaga akong makakapunta ngunit hindi ko na sinabi na may lagnat ako, gusto kong makatulong at baka kapag nalaman niyang nilalagnat ako kanina ay hindi niya ako papuntahin.
Nang matapos akong magluto ay hindi na ako kumain at dumiretso na sa paghahanda para puntahan si Miyagi. Nagdala rin ako ng mga comics na baka gusto niyang basahin dahil sigurado akong nababagot na yun sa ospital.
Pagdating ko ay kaagad akong pumunta sa kwarto ni Miyagi. Nadatnan ko siyang tulog at si tita naman ay naghahanda na para umalis. Iniwan na niya kaming mag-isa matapos niyang ibilin lahat ng dapat kong ipainom kay Miyagi habang wala siya.
Umupo nalang ako sa may tabi ng hospital bed ni Miyagi. Naalala ko na naman ang first day namin bilang mga freshman sa Shohoku.
"Ma, alis na po ako!" Paalam ko kay mama habang si Yohei ay kumakain pa. First day ko bilang freshman sa Shohoku ngayon at excited na ako.
Lalo na't.. si Miyagi ay doon din papasok. Sana ay kaklase ko siya.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko kaagad si tita at Miyagi. Nagu-usap sila habang halata naman kay Miyagi na naiirita siya. Kaya pala, pinipicture-an siya ni tita.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi