Chapter 28 - Kahit sandali lang

142 9 2
                                    

TW; abuse

KIANA MITO

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ako makatulog, kinakabahan ako para sa team. Finals na, Kainan ang kalaban at siguradong hindi magiging madali 'yun. Alas sais ng umaga ang byahe namin ni mama papuntang Osaka. Apat na oras kasi ang byahe, at ganong oras din ang binook ni mama kahit na bukas pa ang seminar. Ngayon kasi ay bibisitahin namin ang mga kapatid ni mama, pati si lola.

Tinanong nga rin ni mama si Yohei kung gusto niyang sumama, humindi naman ito dahil manonood siya ng finals ngayon kasama sina Takamiya. Naiinis ako dahil buti pa si Yohei, nakakahindi kay mama.

Nagpaalam na ako kahapon kay Coach, Akagi at Ayako. Sobrang hiya ko talaga dahil napaka-importante nito para sa aming lahat pero hindi ako makakapunta. Hindi ko pa rin nasasabihan si Miyagi dahil hindi ako makahanap ng tamang tiyempo.

Alas kwatro palang ng umaga at kung tutuusin ay dapat tulog pa ako. Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko ang finals kaya kanina pa ay naligo na ako at nagbihis. Napabuntong-hininga ako at sumilip sa bintana. Maganda kasi ang buwan kapag ganito kaaga, matingkad.

Bumaba ang tingin ko sa garden nina Miyagi. Nagulat ako nang makita siyang palabas ng bahay nila na may hawak na bote ng tubig at phone. Dali-dali akong nagsuot ng hoodie at bumaba. Naabutan ko si mama na gumagawa ng bento box na babaunin namin sa tren.

"Oh, gising ka na? Saan ka pupunta at madilim pa," tanong niya.

"Ma, dyan lang po sa convenience store. Balik din ako," paalam ko at nagtuloy-tuloy na palabas ng bahay.

Akala ko paglabas ko ng gate ay wala na si Miyagi dahil mukhang magj-jogging siya kanina. Pero nagulat ako nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng gate namin mismo.

"Ba't nandito ka?" tanong ko kaagad sakaniya. Halata namang hindi siya nagulat na sobrang aga pa at lumalabas ako ng bahay, kasabay pa siya.

Tumawa siya ng mahina at tumingin sa akin,"Nakita kong nakasindi ilaw sainyo, eh."

Akala niya yata ako yung nasa kusina, pero hindi ko nalang siya sinabihan.

"Kinakabahan ako, Kia." nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Inaamin ni Miyagi na kinakabahan siya? Sa harap ko? Sa personal?

Tinignan ko lang siya, hindi alam kung anong sasabihin.

Natawa siya sa reaksyon ko, halatang nababasa niya kung anong iniisip ko.

"Wala, sinabi ko lang." nakangiti siyang tumingin sa akin.

Umupo siya sa hagdan ng gate namin, kaya umupo na rin ako sa tabi niya. Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa buwan na pababa na.

"Kahit anong mangyari mamaya, proud ako na kaibigan ko ang number one point guard ng distrito." ngumiti ako sakaniya at pansin kong nawala ang ngiti niya. Tinignan niya lang ako ng seryoso sa mata.

Isang buong minuto lang siguro kaming nagtitigan. Parang lalabas na yata ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"B-bakit?" tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sakaniya.

"Sa isang taon na magkasama tayo, ang ganda pala ng mga mata mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong sasabihin ko? Ang awkward!

Hindi ako madalas bigyan ng compliment ni Miyagi. Kaya kahit anong anggulo ko tignan ay napaka-awkward para sa akin.

Nagulat ako nang bigla nalang bumukas ang gate ng bahay namin. Napatingin ako sa lumabas at nakita si mama. Napatayo si Miyagi at mabilis na nag-bow.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon