KIANA MITOHindi na naman ako makapag-focus sa klase ngayon dahil hindi naging maganda ang simula ng araw ko. Nalate ako sa first subject dahil hinintay ko si Miyagi, pero hindi siya dumaan sa bahay. Sumilip ako sa gate nila pero wala si tita sa labas. Parang wala ring tao sa loob ng bahay nila.
Pagkarating ko naman sa room ay absent siya. Kahapon din, hindi niya ko sinipot. Hindi siya pumunta sa bahay para kumain ng ramen.
Isa pang dahilan ng pagkasama ng araw ko ay umuulan. Ang hassle tuloy maglakad.
Lunch break na at umuulan pa rin. Gusto ko tuloy ng lugaw, kaso tinatamad akong pumunta ng cafeteria mag-isa. Si Ayako kasi sumama kina Miyu, sila yata ang kasabay niya mag-lunch ngayon.
Matutulog na sana ako sa desk ko nang tawagin ako ni Aina.
"Kiana, may lalaki sa labas. Hinahanap ka yata." napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Lalaki? Si Yohei?
Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng room. Pagkakita ko sa lalaking sinasabi ni Aina ay parang gusto ko nang pumasok ulit sa room.
"Kiana, lunch tayo." cool niyang sabi. Bakit ba ang komportable nito sakin?
"Tayong dalawa lang?"
"Gusto mo? Pwede naman." nakangising sabi ni Mitsui. Sinamaan ko siya ng tingin.
Tumawa siya bago nagsalita ulit,"Si Miyagi?"
"Absent. Hindi ko alam kung bakit." diretso kong sabi at nagsimulang maglakad.
"Aba, himala." dinig kong bulong niya.
"Ano yun?" pagk-kunwari ko.
"Wala, wala. Saan ka pupunta?" sabi niya habang diretso lang ako sa paglalakad.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at effortless akong inikot paharap sa kabilang daan. Lalo lang akong nagulat dahil sobrang lapit ng mukha ko sa leeg niya.
"Dito tayo, dadaanan natin sina Yasuda, pinapasundo ni Kogure." umalis siya sa harap ko at sa tono ng boses niya ay alam kong nakangisi siya.
"S-sabi ko nga," bakit ba ako nauutal?!
"Tara na, ano pang hinihintay mo dyan?" umiling ako at inunahan na siya sa paglalakad.
Bakit parang mas lalo lang akong nainis kay Mitsui dahil pinipikon niya naman ako ngayon? Mas sanay akong hindi niya ako pinapansin.
Nang makasama na namin sina Yasuda ay hindi na ako nakipag-usap kay Mitsui at kinausap sila Kakuta hanggang makarating kami sa cafeteria.
"Yasuda, dito!" dinig kong boses ni Kogure.
Tumakbo naman papunta kina Kogure sina Yasuda at sumunod kaming dalawa ni Mitsui.
"Bili lang ako," paalam ko at aalis na sana nang magsalita pa si Mitsui.
"Samahan na kita,"
"Huwag na, umupo ka na. Kaya ko naman,"
"Sasabay lang naman ako eh? Bibili rin ako," natawa si Kogure sa sinabi ni Mitsui kaya inirapan ko siya at naglakad na palayo. Dinig ko namang natawa siya bago sumabay sa akin.
"Ano bang akala mo? Sasamahan kita dahil gusto kitang makasama?"
"Tumigil ka na nga!" natawa siya dahil napahiya na naman ako, bumulong pa siya pero hindi ko na maintindihan. Hindi nalang ako nagsalita dahil baka mapahiya na naman ako.
Bakit ba pinapahiya ko ang sarili ko sa harap netong lalaking 'to?!
Napasinghap ako at mabilis na kumuha ng tray. Tahimik naman siyang sumusunod sa akin.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi