Double update tayo today, ah! Enjoy!
KIANA MITO
"Mahal kita. Ikaw yung mahal ko."
Ako?
Nagising ako sa init ng paligid. Nakalimutan ko yatang isindi yung aircon kagabi, ah. Nakakumot pa ako.
Tumingin ako sa gilid ko kung nasaan ang alarm clock. Mukha na yata akong kwago sa laki ng mata ko ngayon.
NASA KAMA AKO NI MIYAGI!! KATABI KO SIYANG NATULOG!!
Natataranta akong tumayo at tumingin sa relo ko. AAAAHHH!! LATE NA AKO! SOBRANG LATE NA! 10AM NA!
Lalabas na sana ako nang nagsalita ang akala ko'y tulog pa.
"Huwag ka nang pumasok, sobrang late mo na." sabi niya, ang husky pa ng boses dahil bukod sa kakagising niya lang, inuubo pa rin siya.
"Kailangan kong pumunta sa practice," sagot ko. Isa pa, kailangan kong umuwi! Kahit na kaibigan ko si Miyagi at lagi ko siyang kasama, kakagising ko lang! Wala pa akong hilamos at hindi pa ako nakakapag-toothbrush!
"Pasok nalang tayo sa practice, magt-text nalang ako kay Ayako." dinig kong tumayo siya mula sa kama niya kaya lalo akong nagpanic.
"Okay, sige ano, uhm.. uwi muna ako. Bye!" kumaripas ako palabas ng bahay nila nang hindi man lang siya hinihintay na sumagot.
Hindi naman halatang na-conscious ako sa morning face ko, diba?
"Argh, Kia naman!" napasabunot ako sa buhok ko at naglakad na papunta sa bahay.
Yung kapatid ko walang baon! Sumimangot ako at tumingin sa kusina, nagluto pala siya. Hindi man lang naghugas ng pinaglutuan.
"Sigurado ka bang okay ka na?" tanong ko bago kami pumasok sa gym. Hindi na kami nag-uniform dahil hindi na rin naman kami papasok sa klase.
"Okay na nga, pang-ilang tanong na ba 'yan?" tumawa siya kaya hinampas ko siya.
"Naniniguro lang, baka mamaya masakit pa pala katawan mo kahit na wala ka nang lagnat."
"Sasakit talaga ang katawan ko sa hampas mo. Lakas eh, hihiwalay na yata balikat ko sa katawan ko." tumawa siya kaya inirapan ko siya at pumasok na kami sa gym.
Pagkapasok namin sa gym ay halos nagw-warm up na sila. Nilapitan ko si Ayako, si Miyagi naman ay lumapit na kina Yasuda, sumali na sa pagw-warm up.
"Kamusta siya?" tanong niya at inabot sa akin yung timer.
"Okay na, naagapan naman yung lagnat."
"Buti naman, mahihirapan tayo kung wala siya bukas laban sa Tsukubu." tumango nalang ako bago umupo sa bench. Wala pa sina Sakuragi at Akagi kaya hindi pa nagsisimula.
"Kahit ako nga kinakabahan, isa sa walong pinakamagaling na team ang Tsukubu." sabi ko at biglang umupo sa tabi ko si Ayako.
"Hoy, hindi ka pumasok kanina diba?" tumingin ako sakaniya. Ano na naman bang ii-issue neto?
"Hinahanap ka ni Mitsui!" pasigaw na bulong niya. Napatili pa kaya napatingin lahat ng miyembro.
"Ayako! Ayos ka lang?" tanong ni Miyagi. Nagthumbs up si Ayako.
"Oo, may kinukwento lang kay Kiana!"
"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko sa kwento mong 'yan?" pilosopo kong tanong.
Tinulak niya ako kaya napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Tumingin ako sakaniya.
"Kiana naman, sinasabi ko lang! Nga pala, ang sinabi ko sakaniya, inalagaan mo si Ryota kaya nalate ka." nagtaas baba ang kilay niya kaya tinignan ko siya ng parang naw-weirduhan.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi