Chapter 31 - Ryonan vs Shohoku

234 12 3
                                    


KIANA MITO

Paika-ika akong lumabas ng ospital at iniwan silang dalawa sa loob. Umalis nalang ako dahil alam kong magsasanay pa si Miyagi, ayoko naman ring istorbohin si Mitsui dahil mukha siyang stressed sa lahat ng pangyayari.

"Kiana! Kumusta si Coach? Asan si Miyagi?" tanong kaagad ni Ayako at Akagi nang makalapit sila sa akin.

"Ah.. eh, sa room 203 si coach, puntahan niyo na, hinihintay nalang siyang magising. Okay na daw siya, si Sakuragi ang naghatid sakaniya dito dahil inatake siya habang nagp-practice siya sa school." nagpasalamat naman si Akagi at tinapik ang balikat ko, kaya tinanguan ko siya bago siya umalis.

"Una na rin kami, Kiana. Uuwi ka na ba? Nasan si Miyagi?" tanong ni Kogure.

"Nasa loob pa siya, kasama si Mitsui. Sabi ko hintayin nalang nila kayo, kailangan ko na rin kasing umuwi." paliwanag ko.

"Ganun ba? Sige, ingat ka ah?" ngumiti ako sakanila. "Kita nalang tayo bukas!" pahabol ni Ayako bago pa sila tuluyang makapasok sa lobby ng ospital.

Tumalikod na ako para umuwi na. Sumasakit pa rin ang paa ko dahil mula nang ma-sprain ako ay hindi ko siya masyadong napahinga. Tiyak na namamaga na naman 'to pagkauwi.

"Kia," natigilan ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa likod. Dinig ko namang tumakbo siya patungo sa akin.

"Oh, Mitsui.. Akala ko hihintayin mo pa si Mrs. Anzai?" tumayo siya sa tabi ko kaya humarap ako sakaniya. Ang tangkad niya kaya medyo nakatingala ako.

"Ihahatid pa kita eh," marahan akong tumawa sa pagdadahilan niya. Doon ko lang narealize na siguro mas lalo siyang nas-stress doon dahil nakikita niya si Coach Anzai na nakahiga sa hospital bed.

Inilahad niya ang kamay niya kaya napatingin lang ako dito. Anong gagawin ko? Hahawakan ko yung kamay niya? Ha? Ano? Hindi!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at hindi na yata nakikipagcooperate ang kanang kamay ko sa utak ko dahil kusa nalang nitong hinawakan ang nakalahad na kamay ni Mitsui.

Ngumisi siya ng nakakaloko,"Yung bag mo." mabilis kong binawi ang kamay ko at umiwas ng tingin.

"A-ayos na!" tipid kong sabi at nagsimula nang lumakad. Sumabay naman siya sa akin.

"Nanghihinayang ka? Ayos na sana na hawakan nalang yung kamay ko?" pamimikon niya, sa tono ng boses niya ay alam kong nakangisi pa rin siya.

"E-ewan ko sayo!" sagot ko, hindi pa rin makatingin sakaniya dahil nahihiya pa rin ako.

Suwabe niya namang kinuha ang bag ko mula sa balikat ko. "Masakit pa, ano?"

Napatingin ako sa tinutukoy niya. Sinubukan kong maglakad ng normal.

"Sinong may sabi? Hindi na ah!" napapangiwi ako kaya nanatili sa daan ang tingin ko.

Tumawa siya ng marahan. "Sige nga takbo tayo,"

Natigilan ako kaya lalo siyang natawa. "Sabi ko naman kasi sayo, bubuhatin nalang kita."

Tinignan ko siya ng masama pero nakangiti lang siya habang buhat-buhat ang bag ko.

Nagseryoso ako at tinignan siya habang naglalakad. "Ikaw ba, ayos ka lang?"

Napawi ang ngiti niya sa tanong ko. Medyo napayuko siya at nanatiling tahimik. Mukhang kailangan niya ng makakausap.

Kaya siguro niya ako pinuntahan dahil gusto niyang maglabas ng sama ng loob, pero hindi niya masabi. Tinapik ko siya sa balikat at itinuro yung bench sa labas ng convenience store at umupo na.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon