Chapter 7 - Aki at Kia

193 9 0
                                    


KIANA MITO

"Anong nangyari sa buhay mo habang wala ako?" tanong niya habang kumakain kami.

Yabang pa rin neto, akala mo naman hindi ako mabubuhay ng wala siya.

Nagkibit-balikat ako at sumagot,"Pano ko naman sasagutin 'yang tanong mong 'yan, ha?"

"Oh, sige ito nalang, bakit wala yung kaibigan mo sa practice game kahapon?" ngumisi siya at pinaka-emphasize niya ang salitang kaibigan.

"Nasa ospital pa yata," walang emosyon kong sabi habang nagulat naman siya sa expression ko.

"Oh? ba't di ka sigurado? Hindi na ba kayo nagpansinan simula.. noon?" nakita ko namang medyo naging awkward ang tono niya dahil pinagu-usapan na naman namin 'yon.

"Che! Hindi, nagka-tampuhan lang." sagot ko kaya napatango siya. Kumain nalang ako dahil mukhang may itatanong pa siya.

"May dumi ka sa labi." pupunasan ko na sana pero bigla siyang kumuha ng tissue at itinapat sa labi ko.

Natigilan ako dahil napatingin nalang ako sa mga mata niyang nakatingin sa labi ko. Umangat naman ang gilid ng labi niya at ngumisi sa akin tsaka niya pinunasan ang gilid ng labi ko.

Inilayo niya ang tissue tsaka tumawa,"Masyado naman yata akong gwapo para matulala ka sakin, Kia."

Ibinato ko sakanya yung tissue dispenser pero natawa nalang siya.

"Kaya ko naman kasing gawin 'yun." nakangiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang sa Ryonan nag-aral," bumuntong-hininga siya tsaka sumandal sa upuan,"'di sana magkasama na tayo sa mga laro namin."

Tumingin ako ng diretso sakanya,"Aki, kung naghahanap ka ng kasama, humanap ka na ng girlfriend."

Tumikhim siya at inilapit ang mukha niya sa akin. Maliit lang kasi ang lamesa kaya madali niyang nagawa 'yun.

Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa labi ko.

"Sinong nagsabing kailangan ko pang maghanap?" natawa ako sa sinabi niya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"May girlfriend ka na? Hindi mo man lang sinabi sa akin? Hindi mo muna pinakila—"

"Shh, shh!" pagpigil niya sa akin, habang kitang-kita ko naman na dismayado siya.

"Ang slow mo pa rin, ano?" napakunot-noo nalang ako sakanya tapos bigla siyang tumayo.

"Magbabayad lang ako," aalis na sana siya pero bigla ko siyang hinila.

"Kumain din ako, 'no! Ako na magba-bayad, ngayon lang naman tayo nagkasama ulit."

"Ako na," napahinto siya at ngumisi ulit,"baka gusto mong bumitaw?"

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak pa rin sa kamay niya, ngumiti ako at hinawakan ng mabuti ang kamay niya.

Dahil sa pagkagulat niya, parang naestatwa siya sa kinatatayuan niya habang hila-hila ko lang siya kaya ako na ang nagbayad.

Pagkabayad ko ay binitawan ko ang kamay niya, para naman siyang kamatis dahil namumula siya.

"'Wag ka namang masyadong kiligin, Aki." pamimikon ko atsaka lumabas, sumunod naman siya.

"Pwede pala 'yun? Oh sige," hahawakan na sana niya ang kamay ko pero biglang may lumapit sa amin na mga babae.

"Excuse me, ikaw ang ace player ng Ryonan, na si Akira Sendoh, hindi ba?" kinikilig na sabi nung isa.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon