Hinati ko sa dalawang chapter 'to. Mamaya na rin ang kasunod. :)
KIANA MITO
"Kia, nandito yung kaibigan mo!" dinig kong tawag ni mama sa baba. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at kumuha ng hoodie.
"Ate, tawag ka na ni mama." tawag ni Yohei nang mapadaan siya sa kwarto ko.
"Oo, oo ayan na." pagkatapos kong isuot yung hoodie ay bumaba na ako.
"Ma, sino po?"
"Hi, Kiana!" tumingin ako sa sofa at nakita si Yui na may hawak na paper bag.
"Oh, Yui.. Buti napadalaw ka?" lumapit ako sakaniya.
"Diba.. basta. May ik-kwento pa ako sayo,"
Bigla kong naalala yung nangyari sa practice noon. Oo nga pala.
"Ma, sa kwarto ko lang po kami," sabi ko at hinila na si Yui sa kwarto ko.
Buti nalang at naglinis ako ng kwarto kahapon pagkauwi ko galing sa laro. Umupo ako sa upuan ng study table ko at pinaupo si Yui sa kama.
"Oh," inabot niya sa akin yung paper bag na hawak niya kanina. Napataas ako ng isang kilay dahil halata namang hindi 'to para sa akin, sealed pa at mukhang mahal, paper bag palang.
"Ano 'to? Para saan?" takang-takang tanong ko.
"Pakiabot mo naman sakaniya," halos matawa ako sa sinabi niya.
"Kanino? Kay Mitsui?" tanong ko, tumango siya ng hindi tumitingin sa akin kaya natawa ako.
Binato niya ako ng unan kaya tumigil ako sa pag-tawa.
"Teka, ano bang meron sainyo? Siya yung pinupuntahan mo dati, diba?" sobrang curious kong tanong. Ano ba kasing pinakain ni Mitsui dito at napalipat 'to ng Shohoku?
"Sinabi ko na nga sa'yo, matagal ko na siyang gusto." halos mamula pa siya sa kwento niya. Nanahimik lang ako at patuloy na nakinig sakaniya.
"Naaalala mo pa nung sinama ka ni Sendoh, 'dun sa laro ng Takeishi Junior high?" tumango ako at hinayaan siyang magpatuloy. "Umuwi kayo noon ng maaga kaya hindi niyo na siya nakilala. Pinuntahan ko pa siya noon dahil binigyan ko siya ng letter."
"Teka, oo nga! Naaalala ko nga noon, may dala kang letter na kulay blue," tumango siya sa sinabi ko at nagpatuloy. "Binigay ko 'yun sakaniya noon. Bawat laro niya, walang palya. Binibigyan ko siya ng letter. Yung huling laro niya na naging MVP siya, binigyan ko siya ng regalo kasi birthday niya rin noon. Ayaw niya talagang tanggapin kasi ayaw niya na may gumagastos para sakaniya."
"So, anong ginawa mo?"
"Kinulit ko siya. Pinilit ko siyang tanggapin yung regalo ko kaya kinuha niya nalang. Mula noon, kinukuha niya na bawat inaalok ko sakaniya. Siguro dahil nakukulitan siya noon sa akin.." malungkot na sabi ni Yui. Naawa ako sakaniya, dahil kahit papaano ay naiintindihan ko siya.
"Noong nag-graduate kami ng Junior high, akala ko magk-Kainan siya dahil magaling siya sa basketball. Kaya tinanggap ko ang scholarship sa Kainan, pero wala siya. Hinanap ko siya noong freshman ako. Kahit sa Shohoku wala siya noon, kaya nawalan ako ng pag-asa pero hindi nawala yung feelings ko para sakaniya. Itinuloy ko nalang din ang pag-aaral ko sa Kainan dahil hindi ko na rin siya nahanap."
"Buti nalang, pumunta ako sa unang laro ng Shohoku. Kakamustahin sana kita noon dahil noon ko lang nalaman na naging manager ka pala ng team sa Shohoku. Pero may iba pa palang dahilan kung bakit gusto kong pumunta noon, dahil nandoon siya." nakangiting sabi ni Yui. Doon ko rin naramdaman na tapos na siyang magkwento kaya tinanong ko na siya.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi