KIANA MITO"Teka, Kia! Hintayin niyo naman ako. Tsaka sino ba 'to, ha? Bakit sobrang close niyo yata?" hindi ko siya pinansin dahil mabilis siyang tumabi sa akin at sumabay maglakad.
"Wala ka na doon, kulot! Sa akin lang mabait si ate kasi alam niyang henyo ako, 'di kamukha sayo, bano!" napansin ko namang napipikon na si Miyagi kay Sakuragi kaya binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko para hindi na sila magbangayan.
Halos tumakbo pa nga ako sa gym habang nagbabangayan pa rin yung dalawa. Pagdating ko sa gym ay binuksan ko ang pinto, napatigil naman ang lahat dahil nasa likod ko na pala yung dalawa.
"Welcome back, Miyagi!"
"Miyagi, nandyan ka na pala!"
"Salamat, Kogure. Yasuda, one on one tayo!"
Nagpapasikat na naman siya kay Ayako.. hay, Miyagi.
Hinamon ni Sakuragi si Miyagi ng one on one. Natawa nalang ako at pinanood sila. Hindi naman magiging seryosong away 'yan panigurado.
"Kiana, tulungan mo na kami!" tawag sa akin ni Kogure dahil naghihilahan na yung dalawa.
Tinawanan ko lang siya at pinanood sila.
"Hay, hindi ko kaya 'to." napabuntong-hininga nalang si Kogure nang ibato ni Sakuragi si Miyagi sa mga freshmen. Pipigilan ko na sana sila nang biglang..
Dumating si Akagi at binuhat niya ang dalawa na parang mga isda.
Halata ko naman na nagulat si Ayako sa inakto ko ngayon. Kahit kaninang nagkurutan ng pisngi ang dalawa ay wala akong ginawa kundi tawanan sila.
Nakaka-amaze din kasing makitang may katapat na ang kayabangan ni Miyagi.
"Oh sige, bukas naman!" sabi ni Akagi pagkatapos ng practice at nagsilapitan naman ang mga players banda sa amin.
Ang iba ay may sariling tumbler habang ang iba ay humihingi ng tubig sa amin.
Huli namang lumapit si Miyagi kaya binigyan ko siya ng tubig sa tumbler niya.
"Salamat," ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya ng tipid.
"Salamat din sa kanina," tumabi siya sa akin habang nagligpit na ako ng gamit dahil karamihan sa team ay umuuwi na.
"Sabay tayo?" tanong niya. Umiling ako at hindi siya pinansin. Bumalik ako sa locker room ng mismong gym at nagbihis doon. Nagpalit ako ng school uniform.
Pagkalabas ko ay nagpaalam na ako kina Akagi dahil d-diretso na akong umuwi. Kanina pa rin umuwi sina Yohei dahil hindi na nila nahintay si Sakuragi.
Nadaanan ko naman si Sakuragi na nasa labas pa ng gym.
"Oh, bakit 'di ka pa umuuwi?" tanong ko sakanya kaya napatingin siya sa akin.
Halos magka-stiff neck ako sa taas niya dahil kung iku-kumpara sakanya ay napakaliit ko lang.
"Wala, trip ko lang. Iniwan ako ng kapatid mo ate, eh. Gusto mo sabay tayo kaya mo ko tinanong, 'no?"
"Kapal mo! Mag-ingat ka nalang na unggoy ka. Baka dalhin ka nila sa zoo, eh." hirit ko at tumuloy na sa paglalakad pauwi kahit na naririnig ko pa siyang sumisigaw.
Dahil madalas ko nang nakakasama si Sakuragi, madalas ko siyang disiplinahin, oo pero minsan ay tinatawanan ko nalang siya dahil nakakatawa naman talaga siya.
Lalo na kapag nagmamayabang siya kahit wala naman siyang maipagmamayabang.
Pagkauwi ko ay sinalubong ako ng kapatid ko na parang nagtataka.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfikceI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi