Chapter 27: Iniwasan

144 10 2
                                    


KIANA MITO

Pagkalabas ko ng cr ay dumiretso ako sa gym dahil maaga ang practice ngayon. Papalapit palang ako roon ay dinig ko na ang pagtalbog ng bola sa loob.

Tumayo ako sa tabi ng pinto ng gym. Kitang-kita ko ang matingkad na buhok ni Sakuragi na nakatingin lang sa bola, at ang kapatid ko na nasa kabilang side ng court, nags-shoot.

"Three points! Ay.." dismayadong sabi niya nang hindi pumasok ang bola. Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil pareho silang nakatuon ang pansin sa sariling ginagawa.

"Oh, ano na Hanamichi? Dinala-dala mo ko rito tapos ganiyan lang pala." tanong ni Yohei, habang naga-attempt muli na maka-shoot.

"Ang hirap pala neto," inis na sabi niya.

Napaharap siya kay Sakuragi na bigla-biglang tumalon.

Naka slam dunk siya! Napangiti ako sa improvement ni Sakuragi. Dalawang araw na mula noong laban nila sa Shoyo pero mukhang hindi pa rin nags-sink in sakaniya na naka-slam dunk siya.

Tumalikod na ako dahil may naririnig akong bulungan sa likod. Napakaaga pa at wala pang masyadong tao sa school. Si Miyagi rin ay hindi ko kasabay dahil nagjogging siya.

"Kuya, diba si Mitsui 'yun?" oh? Si Haruko. Lumabas ako ng gym para batiin silang dalawa.

"Oh, Kiana. Ang aga mo, ah." ngumiti ako sakanilang dalawa. Nilapitan ako ni Haruko.

"Kiana, hindi ba si Mitsui 'yun? Sino 'yung kasama niya?" tanong niya habang may tinuturo sa likod ko. Humarap ako sa tinuturo niya at nakita si Mitsui na may kausap na babae. Tinignan ko sila ng mabuti.

"Yung bago naming kaklase na transferee 'yun," biglang singit ni Akagi.

Oo nga, si Yui nga. Ngumiti ako ng tipid, buti naman at nag-uusap na sila ngayon sa school. Ang sinabi sa akin ni Yui kahapon, lumabas daw sila pagkatapos ng laban sa Shoyo pati kahapon. Aba, ang bilis ni Mitsui ah.

"Anong meron kaya sakanila?" usisa ni Haruko. Kaagad naman kaming nilampasan ni Akagi.

"Wag niyo na nga silang tignan, privacy nila 'yan." tumawa nalang si Haruko at sumunod kay Akagi. Inaya niya rin akong sumunod pero tumango lang ako.

Tinignan ko si Yui, bakit parang hindi siya masaya? Si Mitsui ay nakatingin lang sakaniya samantalang si Yui ay nakayuko.

Tinignan ko pa sila habang nag-uusap. Hindi ko rin maiwasang hindi mag-usisa dahil nagtataka ako sa ekspresyon ni Yui. Napaiwas ako ng tingin nang makita kong napatingin sa gawi ko si Mitsui. Hindi naman sila kalayuan kaya kitang-kita kong dito siya sa gawi ko nakatingin.

"Kia!" malakas na sigaw ng paparating. Napangiti ako ng mapait nang makita ko si Ayako at Miyagi.

"Oh, bakit nandito ka sa labas?" tanong ni Miyagi. Lumapit si Ayako sa akin at napatingin sa tinitignan ko kanina.

"Hindi ba yung kaibigan mo 'yun? Yung kausap ni Mitsui?" tanong niya. Tumango ako at tinignan si Miyagi na ngiting-ngiti habang nakatingin sakanila.

"May something 'yan, sigurado." natatawang sabi ni Miyagi at pumasok na sa gym. Naiwan kami ni Ayako rito sa labas.

"Ayos ka lang?" natawa ako sa tanong ni Ayako.

"Ha? Bakit naman ako hindi magiging ayos?" natatawa kong tanong.

"Aba, ewan ko." nagkibit-balikat siya at pumasok na sa gym. Hindi ko na napansin na umalis na rin pala si Yui at si Mitsui ay papalapit na sakin.

"Oh, Mitsui! Bilis natin, ah!" puri ko sakaniya nang makalapit siya sakin.

Nagtataka niya akong tinignan."Sabi ni Yui sa akin, lumabas na kayo, dalawang beses." itinaas ko ang dalawa kong daliri at ngumiti sakaniya.

"Galing, keep it up! Mabait 'yan si Yui, promise." umiwas ng tingin si Mitsui at nagkamot ng sentido.

Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng TV nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yohei.

"Oh, ba't ngayon ka lang?" tanong ko.

"Kumain pa kami nina Hanamichi eh, tapos alam mo ba ate HAHAHAHHAA," nauuna pa ang tawa niya kesa sa kwento niya eh. Tahimik ko lang siyang tinignan habang tumatawa siya.

"Si Haruko muntik na makita si Yoko at Hanamichi!" na-intriga naman ako sa sinabi niya. Si Yoko? Yung jowa ni Oda 'yun diba?

Ah, oo nga pala. Niligawan ni Sakuragi dati si Yoko pero na-reject siya.

"Edi nag-panic si Sakuragi?" natatawang sabi ko. Tumango-tango si Yohei habang tumatawa. Kulang nalang bumalikwas siya sa kinauupuan niya dahil sa kakatawa.

Natigilan kami sa pagtawa nang bumukas na naman ang pinto.

"Oh, anong nakakatawa?"

"Ma, Miyerkules palang ah?" tanong ko pagkakita naming dalawa kay mama na nagtatanggal ng sapatos.

Ngumiti siya sa aming dalawa."Diba sinabihan kita nung Linggo, Yohei? Sabi ko sabihan mo ang ate mo pagkauwi niya na isasama ko siya sa seminar namin tungkol sa business sa Biyernes? Holiday naman 'yun. Dalawang araw."

Napa-awang ang labi ko sa gulat. Biyernes na ang laban ng team sa Kainan! Tinignan ko ng masama si Yohei. Hindi niya ako sinabihan!

"Ay oo nga pala, sorry hehe." nag-peace sign siya habang tumatawa.

"S-sige po ma, tulungan ko na po kayo." kinuha ko ang bag niya at iniakyat sa kwarto niya ng walang sinasabi. Hindi ko naman pwedeng hindi samahan si mama, hindi naman pwedeng isama niya si Yohei. Pinangako ko kay mama na kapag magtatayo siya ng business ay sasamahan ko siya.

Napabuntong-hininga ako at pumasok sa sarili kong kwarto. Ang dami ko nang iniisip. Paano ko sasabihin kay Miyagi na hindi ako makakapunta sa pinaka-importanteng laban nila?

Nagtataka rin ako kanina sa school dahil pilit kong kinakausap si Yui pero hindi niya ako pinapansin. Naiinis ako, kahit gusto kong tanungin si Mitsui ay hindi naman siya nagsasalita kapag si Yui ang pinauusapan. Nahihiya siguro.

Nanood ng laban ng Kainan sa Takezono sina captain ngayon. Kasama si Sakuragi at Kogure. Ang alam ko pati sina Yohei ay sinamahan si Sakuragi.

Mabilis lang din ang naging practice ngayon dahil nga hindi sila kumpleto. Uuwi na rin sila agad dahil bukas na ang laban nila sa Kainan.

Pumasok ako sa locker room at naabutan si Mitsui at Miyagi na nag-uusap.

"Iniwasan mo? Gago! Sama mo!" dinig kong natatawang sabi ni Miyagi.

"Ano bang magagawa ko? Hindi— Oh, Kia." natigilan silang dalawa nang makita akong naglalagay ng mga gamit sa gilid ng locker room.

"Una na kami, Mitsui." tinapik ni Miyagi ang balikat ni Mitsui at tumango naman ito. Sinabit niya sa balikat niya ang duffel bag niya at inakbayan ako.

"Tara na?" tumango siya. "Mitsui, una na kami."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mitsui, at lumabas na kaming dalawa.

"Anong pinag-uusapan niyo kanina?" usisa ko dahil medyo natatawa pa kanina si Miyagi.

"Ah.. 'yung may gusto raw sakaniya iniwasan niya dahil ayaw daw siyang tantanan." natatawang sabi ni Miyagi.

Ha? Si Yui ba 'yung tinutukoy niya? Kaya ba hindi ako pinapansin ni Yui? Teka ano? Anong kasalanan ko doon?!

"Sino daw?"

"Sabay tayo bukas?" tanong ni Miyagi, iniiba ang pinag-uusapan.

"Sino muna yung sinasabi niya?" pangungulit ko. Umiwas siya ng tingin dahil alam niyang hindi ko siya titigilan.

"Sino ngaaa?!" malakas kong sabi. Nakaiwas siya ng tingin na sumagot.

"Yung kaibigan mo, si Yui."

A very short update! Sorry! :(

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon