Chapter 2: Show- Off

1.3K 22 0
                                    

Kwangyeon on the multi media. Yeah!

    Chapter 2: Show- Off

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Chapter 2: Show- Off

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa may naamoy akong mabango. ko ang mga mata ko at nakita kong nakayakap ako kay Kwangyeon. Sandali akong napatitig sa kaniya na nakapikit din sa tabi ko. nakaharap pa siya sa akin kaya kitang-kita ko ang mukha niya.

Mahigit isang linggo na palang nagtatago 'tong bampira na 'to sa kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano ba kakapal ang mukha niya pero talagang 'di siya umaalis.

Ang kapal pa ng mukha niya. utos here and utos there. pinapagod ako ng lolo n'yo sa mga kapricho niya. Kulang na lang pati pagligo niya ipapagawa niya sa akin pero mukhang di naman siya naliligo at saka hindi din naman ako gaano nagrereklamo kasi pinapakitaan niya ako ng abs. Alam mo n'yo 'yung magrereklamo ka na sana pero papakainin ka niya ng pandesal?

Gano'n ang ginagawa niya sa akin. Ako naman dahl sa marupok akong uri nang nilalang ay mapapakain na lang ng pandesal. Minsan natatakot na ako para sa buhay ko, e. Mamaya maialay ko ang dugo ko sa kaniya dahil sa kisig niya. Hay, naku! Jung Hee Yeol, huwag mo akong hayaang magtaksil sa 'yo, bebe ko. Hindi kita ipagpapalit sa vampire na 'to. My ghad!

Stress na ako sa abs niya.

Paano ba 'to lalayas sa poder ko? Pagtangkaan ko na kaya siyang patayin? Tanggalan ko kaya ng kurtina ang kwarto ko para walang siyang matulugan 'pag umaga?

Minsan nga naisip kong katayin 'yong manok ng kapitbahay tapos i-blender ko 'yong dugo tapos lagyan ko ng bawang saka ko ipainom sa kaniya. Pero noong pupuntahan ko na 'yong manok ng kapitbahay, e naunahan na niya ako.

Dead on the spot 'na yung manok na 'yon bago ko pa makuha. Tapos pagbalik ko sa kwarto, duguan ang abs este ang pangil niya. Ito lang nag-iisang dinuguan pero sobrang hot pa rin. Minsan nga baka magulat ako na ako na ang duguan e. Kasi I'm young, fresh, and virgin. Naka-akit daw 'yun para sa mga vampires.

"Paano ba kita mababalik sa Joseon, ha? Hindi ko na alam kung paano ka itatago kay mother dear!" bulalas ko sa kaniya. Pero 'di siya nagising. Mas lalo lang siyang humarap sa akin at mas napagmasdan ko ang jawline niya.

'Para siyang drawing na ginawa para sa akin. He's so perfect physically. 'Di nga lang biniyayaan ng GMRC.'Gwapo naman pala siya 'pag tulog. In fairness, may laban 'to. Medyo mas gwapo siya ng slight kay Hee Yeol pero slight lang naman. Nakakalurkey! Pero teka, bakit siya nakaha—teka, nakayakap ako sa kaniya?

'Oh my God! What is happening? OMG!'

"Aaahh!" malakas kong sigaw at naitulak ko siya paalis sa kama kaya nalaglag na naman siya. Lumabas tuloy ang red eyes and fangs niya dahil sa gulat niya pero 'wag kayong mag -worry. Sabay talaga na lumalabas iyon 'pag provoked siya o kaya naman nagulat.

'He's ready for self defense!'

"Bakit mo ba ako tinulak, ha?" naiinis niyang sigaw sa akin. Muntikan pa niya akong hilain para kagatin pero napigilan niya ang sarili niya.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon