Chapter 34: Darkest Desires

529 9 0
                                    

Chapter 34: Darkest Desires

(Ginny Almazan's Point of View)

KASALUKUYAN kaming nagki-kiss ngayon ni Kwangyeon. "Mahal ko," tawag sa akin ni Kwangyeon matapos niyang tapusin ang kiss namin. Namamaga na kasi yung lips ko kakakagat niya pero kahit na gano'n kinikilig ako.

Namiss ko kasi siya, kahit na hawig ni Kwangyeon si Jonghyun e iba pa rin si Kwangyeon. 'Yung espesyal na kinang sa mata ni Kwangyeon ay isa mga bagay na hinahanap- hanap ko.

"Bakit, mahal ko?" tanong ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin.

"Sobra akong nangulila sa'yo, akala ko iiwan mo na talaga ako," saad niya sa akin at hinalikan niya ang aking kamay.

"Akala ko rin hindi na kita makikita, kung sino sino ng nayayakap ko kasi ikaw ang nakikita ko. Kwangyeon pangako, hindi na kita iiwan," saad ko sa kaniya.

"Pero hindi dito ang buhay mo, nakaraan ito at hindi ito ang mundo mo," saad niya sa akin.

"Pero dito totoo ang pag-ibig na nararamdaman ko dahil sa'yo, ipagpapalit ko ang realidad para lang makasama ka," sabi ko sa kaniya at hinaplos ko ang kaniyang pisngi.

"Sigurado ka ba? Paano ang mga pangarap mo?" tanong niya sa akin.

"Ikaw na ang pangarap ko, Kwangyeon. Wala na akong ibang hangad kundi ang makasama ka. Sa hirap at ginhawa, hanggang sa oras na maging alabok ako. Yun lang," sabi ko ulit sa kaniya muli niya akong hinalikan dahil doon at yinakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Ginny."

"Mahal din kita, Kwangyeon," sagot ko sa kaniya at nagtago ako sa matikas niyang dibdib na hindi mainit kundi malamig. Pero kahit na nakaka-chills ang dumikit sa kaniya. Sobrang warm pa rin kasi nasa bisig ako ng taong mahal ko, nang asawa ko. "Kung nilalamig ka maari mo akong yakapin?" tanong niya sa akin.

"Mainit kaya, 'yun ang dahilan kung bakit kita niyayakap. Sobrang lamig mo kasi mahal ko," sagot ko sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala darating din ang araw na hindi na kasing lamig ng bangkay ang yayakapin mo," saad niya sa akin at niyakap niya ako pabalik.

Tanghali na ng magising ako hindi na akong nag-abala panggising si Kwangyeon dahil sa naghihilik siya dahil sa pagod niya. Paglabas ko nakita kong nagluluto si Bona at Minah

"Good Morning!" malakas kong sigaw at lumapit ako sa kanila.

"Gising ka na Ate Ginny!" sabi ni Minah at niyakap ako.

"Siyempre! Anong pagkain iyan?" tanong ko sa kanila. "Nagluto ako ng sopas para sa'yo, baka kasi pagod ka at mukhang nangangayayat ka," saad sa akin ni Bona.

"Talaga, salamat Bona!" sagot ko sa kaniya at kumuha ako ng kutsara para tikman iyon.

"Kumusta na kayo ni Sungmin?" tanong ko sa kaniya.

"Binabalak sana namin ni Sungmin na magpakasal na rin gaya ng sa inyo ni Kwangyeon," sagot sa akin ni Bona at saka siya namula.

"Magandang ideya iyan, naku dapat makapag-isip tayo ng magandang surpresa sa kasal ninyo," sabi ko sa kaniya.

"Ang nais ko sana ay simple lang, Ginny napagtanto ko kasi na kahit imortal si Sungmin at handa niya akong protektahan ay napaikli pa rin ng oras, baka mabigla na lang ako at hindi ko na siya pwede pang makasama," sagot sa akin ni Bona at saka siya bumuntong hininga. "Gusto kong maging katulad ninyo ni Kwangyeon na grabe magmahalan," dagdag pa niya sa akin.

"Mahal na mahal ka ni Sungmin at sigurado ako na gagawin niya rin ang mapasaya ka parang si Kwangyeon," sagot ko sa kaniya at nabuhay ang pag-asa sa mga mata ni Bona at saka siya sumulyap kay Sungmin na nagsasanay gumamit ng pana sa gilid tinikman ko naman na ang sopas na ginawa ni Bona.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon