Chapter 22: Heal me, Love me
(Kwangyeon's Point of View)
"PANGINOON ano pong nangyari kay Ate Ginny? Nawala lang ako nasaksak na siya!" malakas na tanong sa akin iyan ni Minah ng makarating siya.
"Wag ka ng maraming satsat, linisin mo ang sugat niya at saka mo ako tawagin," saad ko sa kaniya.
"Ay kung pagalingin mo na kaya agad, mamaya mamatay pa iyan. Hindi kaya ng kagandahan kong maghukay ng libingan," sagot niya sa akin.
"Gaga ka wala pa akong balak mamatay, 'di pa kami nagki-kiss," mahinang sagot ni Ginny sa kaniya.
"Ay tingnan mo panginoon, nagawa pang humarot eh mamamatay na nga," sumbong naman ni Minah sa akin. Naghihinalo na nga tapos nagawa 'pang makipagsagutan sa isang bata.
"Gawin mo na lang ang gusto ko, malalim ang kaniyang saksak," saad ko sa kaniya at medyo nasigawan ko pa siya dahil sa nararamdaman kong kaba. Kahit na nagagawa pa ni Ginny na magsalita ay halata ang kaniyang sakit na nararamdaman.
Kitang kita ko rin ang dugo niya at sobrang bango nito para sa aking pang-amoy kaya agad akong tumalikod. Malakas ang amoy ng dugo ni Ginny at baka makain ko lang siya kung makikita ko ang mga dugo na lumalabas mula sa kaniya. Malipas ang limang minuto ay mabilis na nalinis ni Minah ang kaniyang sugat pero tuloy tuloy ang pagdudugo nito.
"Panginoon, hindi po tumitigil ang pagdudugo niya. Umiinit na rin masyado ang katawan niya," sabi ni Minah sa akin.
Wala na akong ibang paraan na naiisip. Hindi siya maaaring mamatay. Kailangan ko siya, hindi ako papayag na mamatay siya. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya, nawawalan na ng kulay ang mukha niya at bumabagal na ang paghinga niya.
"Panginoon, ano pong gagawin natin?" tanong niya sa akin.
"Ako na ang bahala sa kaniya, i-abot mo sa akin ang patalim dali!" saad ko sa kaniya at inabot niya sa akin ito
"Pangino--" nadinig ko ang boses ni Suji.
"Anong ginagawa mo dito?" bulyaw ko sa kaniya.
"Panginoon, ano pong ginagawa niyo?" tanong niya sa akin at tinangka akong pigilin pero tinuloy ko lang ang balak kong gawin.
"Wala ka nang pakialam sa aking ginagawa!" sagot ko naman sa kaniya.
"Papagalingin niyo ba siya?" tanong niya muli sa akin.
"Umalis ka na lang at ibalita kung ano man iyan bukas!" sigaw ko muli sa kaniya at tuluyan kong sinugatan ang sarili ko. Pinatulo ko ang aking dugo sa sugat ni Ginny at madali naman na gumaling ang kaniyang sugat. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang paggaling nito.
"Panginoon, kahit na kailan ay nangako kayo na hindi na magbibigay ng inyong dugo upang magpagaling. Nasa kasunduan niyo iyon ng huling bantay, kapag sumuway kayo ay maari kayong mamatay panginoon ko," saad niya sa akin.
"Wala akong pakialam, ang mahalaga ay gumaling siya!" sigaw ko sa kaniya dahilan upang mapayuko siya. Nabigla na lang ako ng may namatok sa akin.
"Kwangyeon ang ingay mo, kita mo natutulog ako eh!" sigaw ni Ginny sa akin at nakakunot pa ang kaniyang noo. Parang nawala ang kaba na nararamdaman ko at agad ko siyang nayakap.
"Mabuti naman at gumaling ka na,"napabuntong hininga ako ng sabihin ko 'yon.
Mabuti naman... hindi siya mawawala sa akin.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Ficción GeneralGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...