Chapter 10: Jealousy
SA tinagal-tagal ko dito sa hospital, nababagot na ako kaya madalas ay dinadaan ko na lang sa pag-aaral ang pagkabagot ko. Paano kasi bawal naman ako manood ng TV dahil sa radiation na makukuha ko dito. Bored na bored rin siguro si Papa no'ng nagka-cancer siya. Mabuti na lang ay nagdala si Hera ng mga notes para daw 'di ako mahuli sa school. Pero wala nagsasasawa na rin akong magbasa ng notes kasi nakakainip naman.
Gusto ko sanang mamasyal pero kakatapos lang ng treatment ko. Medyo mahina pa ako. Pero ayoko namang ipakita kay Kwangyeon na nahihirapan ako. "Kwangyeon," tawag ko sa kaniya pero nanatili ang atensyon ni Kwangyeon sa hangin na para bang may iniisip siya.
"Boyfie..." tawag ko muli sa kaniya at binaba ko na nang tuluyan ang libro. "Kwangyeon, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan ko nang nakuha ang atensyon niya.
"Ano'ng sinasabi mo?" tanong niya sa akin. Tuliro talaga si Kwangyeon ngayon. Baka naii-stress na siya sa pag-aalaga sa akin dito sa hospital.
"Tinatanong ko kung may problema ka. Lagi ka kasing tulala nitong nakaraang araw," sabi ko sa kaniya at tiningnan ko ang mukha niya.
"Wala naman," sagot niya sa akin.
"Ay sus, wala daw. Pinag- iisipan mo kung paano ako aakitin, ano?" tanong ko sa kaniya at saka ako nagpa-cute.
"Hindi ko iniisip na akitin ka kasi ikaw talaga ang akit na akit sa akin," sabi niya sa akin.
"Heh! Never akong maakit sa 'yo!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Talaga? Eh, ano 'tong nakita ko sa cell phone mo?" tanong niya sa akin. Pinindot niya ang button sa gilid sa phone ko tapos nakita niya ang wallpaper, yaong picture niya na nagbibihis at kita ang abs niya.
"Inspirasyon ang tawag diyan," sagot ko sa kaniya at iniwasan ko ang tingin niya sa akin. Ang tagal kong tinago ang picture niya na iyan tapos nakita niya.
'OMG! Nakakahiya. Kailan ba siya natutong gumamit ng cell phone, ha?'
"Pagnanasa ang tawag dito, Ginny," sagot niya sa akin at saka siya umakyat sa kama, dahilan para mapahiga ako sa gulat.
"Gano'n ba ako kakisig para sa' yo?" tanong niya sa akin at dinikit niya ang labi niya sa pisngi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.
"Kwangyeon, huwag natin dito gawin baka may nurse na pumasok tapos mahuli tayo. Shy, shy, shy pa ako." Pero mas inilapit niya talaga ang mukha niya at mas dinikit ang katawan niya sa akin. "Emegesh, don't be too excited," bulong ko sa kaniya.
Hanubayan. 'Di pa ako prepared. Baka mamaya para siyang Edward Cullen at lumabas akong bugbog sa hospital. O, baka naman pagkatapos namin, eh kinagabihan manganak na ako gaya ng nangyari kay Bella sa Twilight.
"Oh, baka naman hinuhubaran mo na ako sa isip mo? Sabihin mo lang. Madali naman akong kausap. Pwede ko namang tanggalin lahat ng damit ko, at 'yong damit mo na rin," sabi niya sa akin at kinuha niya ang kamay ko. Aktong hahalikan na niya iyon pero biglaan siyang natawa nang malakas.
"AAAHH!' sigaw ko sa kaniya at tinulak ko siya. Pero 'di siya nagpatinag dahil tawa pa rin siya nang tawa. Humawak pa siya sa tummy niya at kulang na lang, e mautot siya!
"Kung nakita mo lang 'itsura mo, Ginny. Nakakatawa ka!" sabi niya sa akin. Napa-poker face na lang ako.
"Hindi nakakatawa," sagot ko sa kaniya at ikinuros ko ang mgabraso ko.
"Para kang bata," pangbubuyo niya sa akin at saka niya ako niyakap pero pumalag ako. Kunyari nagtatampo ako sa kaniya.
"Ayoko sa 'yo kasi pabitin ka," sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
General FictionGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...