Chapter 18: Bona's broken heart
PARA akong baby na iyak ng iyak dito sa gilid ng kainan dahil sa nararamdaman kong inis at dismaya sa biglaang paglalaho ni Kwangyeon. "Binibini, bakit ka ba iyak ng iyak ha?" tanong isang tindera sa akin. Sa isang iglap ay nawala na naman siya kasama si Minah. Kaya ito ako, parang batang umiiyak kasi nabitin na naman ako sa pagkikita namin.
"Marahil ay natakot siya sa ginawa ng ginoo na 'yon sa mga rebelde, kilala niyo ba ang ginoong iyon?" tanong na naman ng isang nandoon.
"Kwangyeon daw ang pangalan ng ginoo," saad naman tindera na nagpapakalma sa akin. Hinigpitan ko ang hawak sa robe ni Kwangyeon. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa ginawa niya o mas lalo akong maiinis. Akala ko ba mabilis lang na nakakaalala ang puso? Marahil ay wala talagang dapat alalahanin ang kaniyang puso.
Baka hindi talaga ako naging importante sa kaniya kaya madali lang niya akong kinalimutan.
"Saan ba ang iyong tahanan binibini? Ihahatid ka na lamang namin," saad ng isa sa mga nandoon.
"Akala niya sapat na itong mabahong robe niya na peace offering. Pasalamat siya at na distract ako sa abs niya," muli kong saad at saka ko pinunasan ang sipon kong tumutulo na.
"Ano ang nangyaring gulo dito?" napalingon ako at nakita ko si Sungmin na kasama si Bona, magkaholding hands pa sila.
"Binibini, kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Bona sa akin at agad siyang lumapit.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Bona sa kanila at nagkwento nga ang mga tao sa kanila.
"Bona i-u-uwi ko na siya, siguraduhin mo na mapapalitan ang mga gamit na nasira dito," saad naman ni Sungmin.
"Opo, Iskolar, masusunod po ang inyong utos," saad naman ni Bona. Lumapit si Sungmin sa akin at tinulungan ako na makatayo.
"Halika na," saad niya sa akin. Ang sunod ko na lang na alam ay naglalakad na kami paalis. Nakita ko pa si Bona na nakatingin sa akin at saka ako tumingin kay Sungmin.
"Huwag mo nga akong hawakan. Nagseselos si Bona," walang gana kong giit sa kaniya.
"Wala siyang dapat ipagselos dahil siya naman ang mahal ko." saad naman niya sa akin at tiningnan niya ako, napapoker face naman akong tumingin sa kaniya pabalik.
"Nakita mo siya ulit?" tanong niya sa akin.
"Niligtas niya ako," saad ko sa kaniya.
"Alam ko dapat natutuwa ako ngayon pero naiinis ako kasi hindi pa rin niya ako naalala. Naiisip ko tuloy na baka hindi memorable yung love namin para sa kaniya. Nalilito na ako, pakiramdam ko ako lang yung nag-isip na mahal din niya ako. Siguro nga naawa lang siya sa akin kaya siya bumalik at ngayon baka naawa lang din siya kaya niya ako niligtas," sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman siguro ganoon," sabi niya sa akin.
"So, naniniwala ka na hindi talaga siya masama?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi, pero naniniwala ako na baka nga mahal ka niya," sagot niya sa akin. Napangiti ako ng marinig ko iyon, baka nga. Baka nga hindi lang niya ako naalala pero ako rin ang tinitibok ng puso niya. Baka nga soon mapagod din ako na mag-isip ng ganito at mawalan ako ng pag-asa.
"Sandali lang!" sigaw niya sa akin at saka niya ako tinulak sa lupa.
"Aray ko naman!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Sa isang iglap ay nakapatong na si Sungmin sa akin at halos magkalapit ang aming mukha. Napansin ko naman ang agad niyang pamumula.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Fiksi UmumGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...