Chapter 31: Escape the fantasy
"DON'T WORRY, Ginny. I'll make you forget that dream of yours, I'll turn that into the reality that you needed the most." Paulit- ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Jonghyun sa akin.
"Kailangan mo nang paunti- unting kalimutan ang iyong panaginip, Ginny." Seryosong saad sa akin ni Mama habang nakatulala ako sa hangin.
Kaya ko ba 'yong gawin?
"Ma, totoo si Kwangyeon..."
"Anak panaginip lang 'yon. Kalimutan mo na 'yon at magpatuloy ka na sa 'yong buhay!" pilit niya sa akin. "Iiwanan mo ba kami nang dahil sa isang karakter sa drama, nang dahil sa panaginip na mukhang totoo?!"
"Mama, totoo siya. Maniwala ka naman sa akin," sagot ko sa kaniya.
"Stop this nonsense, Ginny. Gumaling ka lang mula sa sakit mo ay naging ganito ka na. Mas gusto mo bang malayo sa akin ha?" tanong ni Mama sa akin.
"Mama, hindi po sa gano'n!"
"Pero ganoon ang nararamdaman ko anak! Ginawa ko ang lahat para ma-realize mong panaginip lang 'yan pero pilit mo 'yong kinakapitan bilang realidad mo. At ang hirap no'n para sa akin kasi naiisip ko na baka 'di ako naging mabuting ina sa'yo. Kaya mas ginugusto mo na lumayo sa akin!" sigaw ni Mama, nakita kong tumulo ang kaniyang luha.
Umiiyak na si Mama sa harap ko. I made her cry nang dahil doon.
"Ma..."
"Lalabas lang ako para magpahangin, kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ang nurse," aniya at saka siya umalis ng kwarto ko. Na-disappoint si Mama sa akin. Tumulo muli ang luha ko nang dahil do'n.
Tok Tok!
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Luke at Breanna do'n. Ngumiti sila sa akin nang mahina. "You must accept your reality, Ginny." Bungad sa akin ni Luke.
"Pero hindi ko kaya, 'di ko kayang kalimutan si Kwangyeon..." Sagot ko sa kaniya.
"Don't force her to forget something that she can't forget, Luke!" Suway naman ni Breanna sa kaniya.
"Pero 'yon ang dapat niyan gawin. Kapag pinili niyang kalimutan ang panaginip na 'yon makakalimutan niya 'yon. At iyon ang kailangan niyang gawin. Ito ang realidad niya, Breanna! Hindi siya pwedeng mahulog na lang sa illusion ng Joseon," sagot niya rito.
"Parang sinasabi mo na rin na dapat niyang kalimutan na lang 'yung taong mahal niya. Hindi mo pwedeng kalimutan ang taong mahal mo, Luke! You can't force your heart to forget someone that you love the most!"
"Breanna, magtatalo na naman ba tayo ha? This is the future, the reality at wala tayo sa loob ng manhwa. Kung ipagpapatuloy lang ni Ginny na ipaglabas ang paniniwala niya kay Kwangyeon masasaktan lang siya. Dahil kahit na kailan, 'di na siya makakabalik pa sa Joseon Dynasty..." Isang realidad ang tumusok sa akin nang mga oras na 'yon.
"How dare you say that?!" singhal sa kaniya ni Breanna.
"Pakiusap pwede bang umalis muna kayo ha!" pakiusap ko sa kanila. Natigil sila sa pag-aaway nila sa aking harap.
"Ginny—"
"Please, Luke at Breanna, I just need some time alone. Kung hindi tungkol sa pagbalik sa Joseon ang ibabalita ninyo sa akin ay umalis na lang kayo sa harap ko. Hindi ko kailangan nang mga tao na wala namang magagawa para makabalik ako kay Kwangyeon," saad ko sa kanila. Tumayo ako at saka lumabas nang aking kwarto, para akong tanga na umiiyak habang naglalakad palayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Fiction généraleGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...