Chapter 24: Together Again

502 12 0
                                    

Chapter 24: Together Again

NAKATULOG si Kwangyeon na nakasandal sa akin nang gabing iyon. Matapos nang mapusok naming halikan ay parang mutually kaming nanahimik pero sobrang gaan ng nararamdaman ko. Pero may part akong nanghihinayang, akala ko kasi Rated SPG na e, pero umatake kasi ang sakit nang katawan niya.

Sayang, akala ko makaka-iskor

Ewan ko ba pero parang nahiya yata kami sa isa't isa lalo na't napansin kong nasugatan ang labi ko dahil doon.

Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip iyon. Hindi na mahalaga sa akin kung maalala pa niya ako ulit o hindi. Basta masaya na ako na bumalik ang nararamdaman niya noon sa akin. Feeling ko nainlove siya ulit sa akin for the second time around.

Bago sumikat ang araw ay ginising ko na siya para makauwi na kami at 'di madatnan ng araw. Nanghihina pa rin si Kwangyeon ngayon at di ko alam kung bakit. Para napakabilis niyang maghina ngayong mga nakaraang araw. Tama siya, hindi dapat nilalagnat ang bampira pero ito siya at nilalagnat.

"Sigurado ka bang ayaw mong alalayan kita?" tanong ko sa kaniya.

"Kaya ko na ang sarili ko," sagot niya sa akin pero mapilit ako kaya tumabi ako sa kaniya para hawakan ang kamay niya.

"Alam kong di mo pa kaya ang sarili mo," sabi ko sa kaniya. Bago pa man niya ako sitahin dahil sa pagtabi ko sa kaniya. "Tama na sa akin na inalagaan mo ako buong gabi, Ginny," sabi niya sa akin.

"Dati araw at gabi mo ako inaalagaan kaya kulang pa yung ginawa ko..." sagot ko sa kaniya.

"Saka masaya naman na alagaan ka, feeling ko asawa ko na ang inaalagaan ko" sabi ko sa kaniya na may halong kilig pa.

"Alam mong imposibleng mangyari iyan kung sakaling magiging asawa mo nga ako. Tumanda ka na at ako ay ganito pa rin, bata. "sagot niya sa akin.

"So? Anong pake ko?" tanong ko sa kaniya.

"Tumanda man ako at magmukhang cougar pag naging asawa kita, wa me pakels basta kasama kita," sagot ko sa kaniya.

"Mahirap ang gusto mo," sagot niya sa akin at saka siya bahayang yumuko.

"Yung pakiramdam kapag nakikita mong unti unti nawawala ang nasa paligid mo at naiiwan kang nagiis--"

Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghalik saglit sa kaniya. "Hindi ka nag-iisa kasi nandito ako. Kahit mawala man ako at maging hangin, pagdating ng panahon ay sisiguraduhin ko na ako ang bawat hangin na dadampi sa pisngi mo," sagot ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo sa akin?" he asked me back. Agad akong tumango ako sa kaniya.

"Hindi ako magpapakagaga at pupunta sa mundo mo kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sayo," sagot ko naman sa kaniya.

"Tayo na ba ulit?" tanong ko sa kaniya.

"Tayo na ulit? Anong ibig sabihin mo sa tayo?"

"Diba kagabi nagkiss na tayo tapos ngayon nagkiss ulit tayo. So mag jowa na ba ulit tayo o magpapabebe ka muna?" tanong ko sa kaniya pero nagkunot lang ang noo niya sa akin.

Hindi niya naiintindihan. Minsan 'di ko magets kung pabebe lang siya o inosente e. Pero dapat ako ang innocent sa amin kasi vampire siya. At ang vampire nangangat ako nandidila lang.

Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"Ang ibig sabihin ko magkasintahan na ba tayo?" tanong ko muli sa kaniya.

"Ginny, ngayon mo ba kailangan tanungin iyan?" sagot niya sa akin.

"Siyempre kailangan ko ng closure. Nakakailang halik ka na tapos wala pa ring tayong status!" sigaw ko sa kaniya pero hinalikan lang niya ulit ako.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon