Chapter 20: Tied

505 9 0
                                    


Chapter 20: Tied

GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW

"MINAH, pwede mo ba akong itali malapit sa chair ni Kwangyeon para abot kamay ko siya?" tanong ko sa batang si Minah at napatingin siya sa akin.

"Alam mo ate Ginny, ikaw lang yata ang nag-iisang nadukot na hindi nagrereklamo at gustong mapalapit sa nagpadukot sayo," sagot naman niya sa akin.

"Yung kidnapper naman ang pinuntahan ko dito kaya hindi na ako mag-iinarte pa. Sige na ilapit mo ako sa kaniya, dali o kaya itali mo ako sa kama niya." Pagpupumilit ko sa kaniya at pinilit kong gumapang palapit kay sa upuan ni Kwangyeon. Hindi rin naman naging successful iyon kasi masakit gumapang nang nakatali at ayaw kong tulungan ni Minah.

"I'm one step closer to my dreams," at saka ako gumawa nang ngiting tagumpay.

"Ewan ko sayo ate, nahibang ka na ata dahil isang araw ka ng walang kain. Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin.

Si Kwangyeon ang gusto kong kai—este di pa ako nagugutom. Nasaan ba si Kwangyeon? Diba dapat nandito lang siya?" tanong ko sa kaniya.

"Baka lumabas siya upang kumain. Nagsasawa na kasi siya sa dugo ng mga kawal dito sa palasyo, amoy putok daw kasi," saad niya sa akin at saka siya sumubo.

"Ganoon ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, pero huwag kang mag-alala dahil mabait naman ang panginoon ko. Kahit kumakain siya ng tao ay hindi niya ako kinakain o sinasaktan. Ang bait nga niya, lagi akong nakakahingi ng pera sa kaniya," pagwkento niya sa akin.

"Alam kong mabuti siya, mabait naman talaga si Kwangyeon eh," sabi ko sa kaniya.

"Ate muntikan ka niyang napatay kahapon tapos--" tanong niya sa akin

"Basta alam ko, hindi ko naman sasabihin ito kung 'di ko nakita ang kabaitan niya diba?"

"Pero totoo bang naging kasintahan ka niya? Kung gayon, bakit hindi ka niya naalala?" Tanong niya sa akin napayuko ako dahil doon.

"Hindi ko rin alam, pero hindi na iyon importante. Basta ang alam ko dapat maalala niya ako. Kahit hindi na niya ako mahalin ulit, basta maalala lang niya ako. Makita ko siya at makausap gaya ng dati," sabi ko sa kaniya.

"Wag kang mag-aalala ate Ginny, tutulungan kita na makausap muli ang panginoon. Tutulungan kitang makagawa ng paraan upang maakit siya muli,"

"Kabata bata mo pa pang-aakit na ang nasa isip mo, pero I like that ha? Me gustas tu!"sabi ko sa kaniya at bahagya akong kinilig. Konti lang naman. Di nagtagal ay natulog na rin si Minah malapit sa akin. Malapit kasi ang kama niya sa aking pinagtalian, medyo nainggit naman ako dahil nakahiga siya, samantalang ako nakaupo lang at nakadungaw kay Kwangyeon. Worth it naman kasi nakahubad 'yung dinudungaw ko. Pero ngayon wala pa 'yung dinudungaw ko. Siguro nagpu-food hunting ang lolo ninyo.

Dati sa bintana ako tumitingin, ngayon sa may butas na ng kweba niya. Hindi nagtagal pumasok na rin siya sa loob. Puno ng dugo ang kaniyang labi at ang lakas ng aura niya.

'Kwangyeon, saan ka galing?" tanong ko sa kaniya pero di niya ako nilingon.

"Ang suplado mo naman, dati pag galing ka sa labas at babalik ka sa hospital lagi akong may halik galing sayo. Kahit nagigising mo ako noon, ayos lang," sabi ko sa kaniya nilingon niya ako at tumingin siya sa akin.

"Manahimik ka kung ayaw mong mamatay," sabi niya sa akin.

Matagal na akong patay na patay sayo kaya ikaw ang shut up diyan.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon