Hi everyone! I reposted the Midnight Romance because I accidentally deleted it instead of just unpublishing it to post the revised chapter. Anyways, enjoy and please do vote and comment. All chapters shall be posted tonight and tomorrow.
Chapter 3: A Wish come true
MIRI, may nais sana akong ipagtatapat sa 'yo. Nawa'y pakinggan mo ang sasabihin ko," nahihiyang saad ng binatang si Kwangyeon sa kaniyang bagong kaibigan. Si Miri ang anak ng Punong Ministro sa kaharian ng Joseon. Alay ito ng kaniyang amang hari para sa kaniya, upang maging alipin niya pero 'di niya tinanggap ang alay na 'yon dahil espesyal ang tingin niya rito.
Iba ang naging tama niya sa dalaga dahil sa kakaiba ito.
Hindi naman ito gano'n kaganda at 'di rin ito elegante. Pero ito na siguro ang pinakapilya sa mga noble blood na babae na puro prim at proper kung kumilos. Pero hindi iyon ang naging dahilan para ma-turn off si Kwangyeon sa babae. Sa halip, naging dahilan lang ito para mas mahulog siya kay Miri.
"Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni Miri sa kaniya. Naglalaro sila nito sa mga sanga ng matandang puno kung saan madalas nilang panoorin ang buwan tuwing hating gabi.
"Tungkol sana sa nararamdaman ng puso ko para sa 'yo," sagot ni Kwangyeon sa dilag. Namumula naman na tumingin si Miri sa kaniya at gano' n din siya. Biglaan siyang nahiya at hindi na niya alam kung paano niya sasabihin ang nararamdaman niya.
"Nararamdaman ng puso mo?" tanong nito sa kaniya at tumango naman ang binata. Bilang isang bampira, abnormal ang pagtibok ng puso niya.
"May sakit ka ba sa puso, Kwangyeon?" Nanlaki ang mga mata ni Miri.
"Bakit mo pa ako sinamahan na maglaro kung gano'ng may sakit ka pala? Dapat ay magpagaling ka muna," tanong ni Miri sa kaniya.
"Bampira ako, Miri kaya hindi ako magkakasakit," sagot niya sa dalaga.
"Paano ba naman kasi. Ang bungad mo may nararamdaman ka sa puso mo. Akala ko tuloy ay may sakit ka na." Hinawakan ni Kwangyeon ang kaniyang puso. "Hindi sakit... kung 'di ang nararamdaman nito para sa'yo.
"Ang nararamdaman nito para sa 'yo," sagot ni Kwangyeon sa dilag.
Huminto sila sa gitna ng malakas na sinag ng buwan. Kitang-kita ang pagkinang ng balat ni Kwangyeon na ikinamangha naman ni Miri. Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at itinapat ito sa puso niya.
"Ano'ng naririnig mo?" tanong ni Kwangyeon sa dalaga.
"Wala namang pulso ang bampira kaya wala akong naririnig," sagot nito sa kaniya. Mahina silang tumawa dahil sa sinabi ni Miri pero agad din namang natigil ito nang magkatinginan sila.
"Alam ko, pero kahit walang tibok ang puso ko na dug, dug, dug ay nakakaramdam pa rin ito," sagot ng binata sa babae.
Nagsimula nang mamula si Miri at iniwas ang tingin nito sa makisig na si Kwangyeon. "Ano ba'ng ibig sabihin mo?" tanong ni Miri sa kaniya.
"Miri-ah, mahal kita," bulong ni Kwangyeon habang kumikinang ang mga mata niya. Tumingin din si Miri sa kaniya,at nakita niya ang tunay na hinaing ng binata—gusto siyang mahalin nito. Sa kaniya na umiikot ang mundo ng isang malakas na bampira. Iminulat nito sa pag-ibig ang pinakamatanda at pinakamalakas na bampira na namuhay pa simula ng panahon ng Silla.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Fiction généraleGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...