Chapter 9: Hopes

660 13 0
                                    

Chapter 9: Hopes

NAGPAHID ako ng lip gloss at saka gumawa ng poutie face. Ipinakita ko naman iyon kay Kwangyeon para maakit siya sa lips kong sobrang seductive kapag naka-pout."Boyfie," maharot kong tawag kay Kwangyeon habang nasa kwarto kami. Itinimpla niya kasi ako ng kape para 'di daw makatulog habang nagdi-date kami. Ang sweet ng boyfriend kong vampire.

"Ginny, tigilan mo ako sa boses na iyan. Hindi ako naakit." Sabi niya sa akin at padabog na binagsak ang mug sa harap ko.

"Grabe ka naman, boyfie. Kinikilig ako sa pagiging harsh mo!" sabi ko sa kaniya at nagpa-beautiful eyes ako sa harap niya.

"Anak, natutulog na ako. Pakiusap naman baka pwedeng gawing tahimik ang paglandi sa gilid?" sabi naman ni Mama sa akin.

"Sorry, Mama. Kasi 'yong boyfriend ko ang hot kaya! Hindi ako matahimik," sagot ko sa kaniya. Tumingin si Mama sa akin. "Ewan ko ba sa inyong dalawa, napaka-nocturnal n'yo. 'Pag bukas pagkagising ko malalaman kong may apo ako, kakalbuhin ko kayong dalawa," sabi muli ni Mama at saka siya tumalikod para matulog.

Mahina naman akong tumawa at saka sumagot sa kaniya.

"Don't worry, Mama. Baka bago ako madedo may apo ka na," sabi ko sa kaniya at tumingin ako kay Kwangyeon at saka nag-beautiful eyes sa kaniya.

"'Wag kang mag–alala, Ginny. Hindi ka magkakaroon ng pag-asa na makatalik ako. Hindi kita gustong makasama sa kama," sagot niya sa akin at sinimangutan ko siya. "Pero siyempre hindi ako nagbibiro," sabi niya sa akin.

"Kwangyeon!"

Kumindat siya sa akin. "Wala kang ibang magagawa kung 'di ang pagnasahan lamang ang katawan ko sapagkat, hinding- hindi mo ito matitikman." Nakak-akit n'yang giit sa akin. Napasimangot naman ako at saka na-disappoint.

Gusto ko rin namang ma-devirginize bago mamatay.

"Grabe ka talaga, boyfie. Ang harsh mo sa akin. Pero kahit na gano'n, I heart you, boyfie! Mwah," sagot ko sa kaniya at saka ako nag-iwan ng espasyo sa kama ko para maupuan niya.

"Matulog na nga kayong mga bata kayo!" sita muli ni Mama at bumalik na sa paghihilik niya.

"Bakit, hindi ba ako mukhang nakakaakit? Hindi naman gano'n ka-disappointing ang katawan ko, ha?" Sinilip ko ang dibdib ko sa loob ng damit ko. Malaki naman dibdib ko, maliit naman ang baywang ko, sexy nga raw ako kahit matakaw ako, e. Tapos flexible pa ako. Mahirap ba akong i-kiss dahil sa braces ko? Baka naman para kay Kwangyeon hindi attractive ang may metal sa ngipin?

"Ginny, tigilan mo na 'yang nasa isip mo. Binibiro lang kita," sabi niya sa akin at nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Hindi ba siya naakit sa akin? Mag-iisang buwan na kaming mag-jowa at naglalandian pero parang hindi pa siya naakit sa akin.

Matagal-tagal na rin pala mula nang dumating si Kwangyeon dito. Siguro pinadala siya ni Papa God para sa akin. Sana hindi pa siya ibalik sa Midnight Romance. Sana dito na lang siya lagi sa tabi ko.

"Gusto mo na naman 'andiyan ako sa tabi mo?" tanong niya sa akin nang matuon ang tingin niya sa espasyo na nilaan ko.

Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Oo, dito ka lang." sabi ko sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Ang bango-bango talaga ni Kwangyeon.

"Boyfie.,alam mo ba na sobrang bango mo? Pakiramdam ko gumagaling ako sa sakit ko kapag inaamoy -amoy kita. Paamoy nga!" sabi ko sa kaniya. Kulang na lang ay sampalin niya ako sa diri dahil sa mga naririnig niya sa akin.

"Ginny, tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng salitang iyan. Hindi maganda sa pandinig saka mabango talaga ako. Natural na sa mga bampira ang may ganitong amoy," sabi naman niya sa akin. 

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon