Chapter 27: Happy Ending
(Kwangyeon's Point Of View)
NAKATINGIN ako kay Ginny habang sobrang himbing niyang natutulog sa aking tabi. Nakayakap siya ng mahigpit at nakatago sa aking kili kili at inaamoy pa ito. Napangiti ako at hinawi ang kaniyang buhok. Napakaganda niya talaga at mas lalo pa siyang gumanda sa aking paningin. Hindi ko akalain na suswertehin ako sa babaeng mamahalin ko ngayon.
Ang akala ko dati ay magiging kamalian din ito tulad ng sa amin ni Miri, ngunit iba. Alam kong malaki ang pagkakahawig ni Miri at Ginny ngunit alam ko sa sarili ko na si Ginny ang aking minahal sa kabila n'on.
Binigyan niya nang bagong kahulungan ang pagmamahal.
"Ang bango ng kili kili mo," bulong niya sa akin. Nagising na pala siya.
"Magandang umaga mahal ko..." sabi ko sa kaniya. Mahina siyang tumingin sa akin at saka ngumiti.
"Magandang umaga rin, mahal ko," sagot naman niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Nakatulog ka ba ng mahimbing?May kailangan ka ba?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.
"Oo nakatulog ako at wala akong kailangan ngayon kundi ang yakap mo," sabi niya sa akin.
"Baka naman sipunin ka na, malamig masyado ang aking kama at ang katawan ko," saad ko sa kaniya.
"It's weird pero medyo mainit ka ngayon. Ang sarap mong yakapin," sagot niya sa akin hinalikan ko ang ulo niya.
"May nais ka bang gawin mahal ko?" tanong ko sa kaniya.
"Hmmm.. nais ko sanang mamasyal tayo, maaari ba?" tanong niya sa akin.
"Oo naman, para sayo maaari kong gawin ang lahat," sagot ko sa kaniya.
"Salamat, mahal ko," sagot niya sa akin at saka na siya bumangon.
"Maghahanda na ako ng makakain natin," sabi niya sa akin at kinuha niya ang kaniyang damit at sinuot agad ito. Nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Baka mas lalo mo akong mahalin kakatitig mo?" tanong sa akin ni Ginny.
"Iyon na nga ang dahilan kung bakit kita tinititigan nais kitang mahalin lalo," sagot ko sa kaniya at narinig ko ang mahinang tili niya.
***
NAMASYAL kami ni Ginny sa gubat. Hindi maganda sa mga bampira ang init ng araw pag pababa na ito at pasikat. Mas nakakamatay kasi iyon para sa amin ngunit sa kaso ko. Wala ng epekto ang pagsikat at paglubog ng araw sa akin. Ang buong akala ni Ginny ay dahil iyon sa payong na dala niya na maingat niyang tinatakip sa akin. Nakaangat pa ang paa niya ng bahagya para lang mapayungan ako. Hindi ko maiwasan ang matuwa sa kaniya, na sa bawat angat niya ay halik ang bininibigay ko sa kaniya.
"Ang ganda," sabi ni Ginny ng marating namin ang patag na puno ng mga bulaklak.
"Mahigit 900 taon na ang patag na iyan at hindi pa rin nasisira ang mga nakatanin diyan. Naaalala ko pa noong ako'y bata, dito ako madalas dinadala ng aking amang hari," sabi ko sa kaniya.
"Prinsipe ka nga pala dati no?" tanong niya sa akin.
"Oo, napakapilyo kong prinsipe at madalas akong tumatakas sa palasyo upang makita ang mundo. Ang palasyo ang pinakaaayawang lugar ko dati. Ngunit ng maging bampira ako ay biglaan na lamang ayaw ko itong pakawalan. Naging sakim ako at nakalimutan ko ang magagandang bagay na ginagawa ko dati." Sabi ko sa kaniya habang inaalala ko ang lahat. Naaalala ko ang pagtakbo ko sa patag ng mga bulaklak habang sinasalubong ako ng aking Amang Hari at Inang Reyna. Minsan kalaro ko naman ang ibang prinsipe at anak ng mga ministro.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Fiksi UmumGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...