Chapter 21: Stabbed Love
KWANGYEON'S POINT OF VIEW
"PAKAWALAN mo na lang ako. I promise hindi ako tatakas," pakiusap ng babaeng ito sa akin. Kanina pa siya nakikiusap na muli ko siyang pakawalan pero ayaw ko sapagkat dumidikit lang siya sa akin at isa pa ay mahirap na pakawalan siya ngayon. Hindi ko pa nalalaman ang mga plano ni Sungmin para sa akin.
"Kwangyeon, di naman ako tatakas eh. Tatabi lang ako sa'yo," muli niyang saad sa akin.
"Panginoong Kwangyeon," pumasok sa aking kweba ang punong ministro ng hari.
"Anong ginagawa mo dito, Punong Ministro Choi?" tanong ko sa kaniya.
"Kwangyeon!" muli na namang sigaw ng babaeng iyon sa akin.
"Siya ba ang babaeng dayuhan na ginamit ni Sungmin upang masugpo ka?" tanong ni Ministro sa akin habang nakatingin pa rin siya kay Ginny.
"Oo, siya ang dayuhan na iyon. Anong pinunta mo dito?" tanong ko muli sa kaniya.
"May mga papel na kumakalat sa bayan tungkol sa pagkawala ng dayuhan at nakalagay din doon na ang itim na bampira ang kumuha sa kaniya. Marami ring mga tsismis na ang itim na bampira raw ang pumapatay sa mga birhen na nasa nayon." saad niya sa akin.
"Hindi naman tsismis iyon, totoo ang mga sinabi nila ngunit hindi ako ang may kasalanan sa kaniya. Sinunod ko lamang ang nais ng iyong anak na si Suji at nakita ko ito na pagkakataon upang lumpuhin ang pwersa ni Sungmin," dagdag ko muli sa kaniya.
"Anong gagawin mo sa kaniya?" tanong niya sa akin.
"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Kung iyong mamarapatin ay maaari mo na lang siyang ibigay sa akin. Total wala ka namang gagawin sa kaniya," sabi niya sa akin.
"Ibinigay na siya sa akin nang anak mo at akin na siya," sagot ko naman sa kaniya at saka ako ngumiti.
"Ngunit, kakainin mo lang naman siya diba? Maari bang ipatikim mo na lang sa akin ang ganda niya?" tanong niya sa akin.
"Totoo yata ang nadidinig ko sa palasyo na inuubos mo ang kaban ng bayan para sa mga babae mo. Sabagay, nagawa mo naman na ibenta ang anak mo sa akin kapalit ng yaman," saad ko sa kaniya at bahagya siyang nagulat sa mga sinabi ko.
"Panginoon, ipagtawad niyo ngunit nakakainsulto na yata kayo," sagot nito sa akin.
"At nasa konsensya mo pa rin pala ang mainsulto?" tanong ko pabalik sa kaniya nakita kong nagkuyom ang mga palad niya.
"Kung wala ka ng sasabihin ay umalis ka na, siguraduhin mo na kumpleto ang lahat mamaya sa pagtitipon para sa nalalapit na kasal ng Prinsipe at ni Suji. Nais kong maghandog ng maliit na regalo" dagdag ko pa sa kaniya.
"Kwangyeon, sinong ikakasal? tayo ba ha?Ano ba iyan 'di ako prepared. Pengeng pera, magpapafacial scrub ako." sabi niya sa akin.
"Manahimik ka diyan, ang sakit mo sa ulo," sabi ko sa kaniya.
"Mas masakit ka kaya sa ulo, napakapabebe mo bwisit," sagot niya sa akin at saka niya ako inirapan.
"Panginoon narito na po ang Hanbok na susuotin niyo para pagtitipon mamaya," sabi ni Minah ang dala niya ang damit na isusuot ko.
"Sinong nagsabi magsusuot ako ng ganyan?Ako ang hari at hindi ko kailangang maghanda para sa kanila," sagot ko naman at saka ko sinira ang damit na dala ni Minah.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
General FictionGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...