Chapter 36: Bite

498 12 0
                                    


Chapter 36: Bite

GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW

"ITO pa mahal ko, masarap ito, kami ni Sungmin ang nag-ihaw niyan kanina," sabi ni Kwangyeon at binigyan niya ako ng parte sa inihaw na manok na niluluto nila. "Salamat Kwangyeon bebe ko," sagot ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Ikaw Suah, ito oh, pinaghiwa rin kita," sabi naman ni Kwangyeon. Nawala ang kilig ko dahil parehas na thigh part ang hiniwa ni Kwangyeon. Dapat 'yung pwet ang binigay niya sa Suah na iyan. Ito naman si gaga kung makangiti parang kinikiliti.

"Baka gusto mo pakainin ka na rin ng asawa ko," sabi ko sa kaniya.

"Wala naman akong ganoong intensyon, Ginny," sagot niya sa akin at nagpeke ako ng ngiti sa kaniya. "Kwangyeon, ako na lang ang maghihiwa ng manok para sa akin," saad niya sa aking asawa tapos umakto siya na parang nahihirapan siyang maghiwa. "Ako na lang, pambawi ko na ito sa naging usapan natin ng isang araw," saad ni Kwangyeon at namumula naman niyang hinayaan ang asawa ko.

"Gusto mo bigyan kita ng blade? Try mo ring hiwain yang mukha mo bes ang kapal-kapal mo kasing lumandi sa asawa ko," saad ko sa kaniya at saka ako kumindat.

"Ginny," suway ni Kwangyeon.

"Ikaw naman bumait ka lang, sumobra naman ang pagcha-charity mo, eh hindi naman pulubi iyang babaeng 'yan. Kwangyeon asawa mo na ako, 'wag kang dumikit sa babaeng katulad niya, halata na ngang ahas mukha pang viper," sabi ko sa kaniya. "Grabe ka naman magsalita!" sigaw ni Suah sa akin. Inirapan ko siya dahil do'n.

"Bakit affected ka?"

"Ay, Oo nga pala. Mga malalandi lang ang tinataman sa mga sinasabi ko. Gano'n ka ata e?" tanong ko sa kaniya.

"Ginny, huwag ka na sabing umasta nang ganiyan e. Mag-a-away tayo kapag ganiyan ka," sugaw ni Kwangyeon sa akin.

"Ops, tigilan na iyan. Hindi lang si Kwangyeon ang gwapo dito pati rin ako, nami-miss ko ng mapag-agawan ng mga girls. Mambabae nga ako pagbalik sa future," sabi ni Luke sa akin.

"Tumahimik ka diyan kung 'di susunugin kita," suway ko sa kaniya at saka ko siya binato ng tinidor.

"Pwede ba huwag kayong mag-away? Nasa harap tayo ng hapagkainan," saway ni Sungmin at tumawa naman si Luke. "Queen of pagseselos ka talaga Ginny," sabi niya sa akin at saka siya kumindat muntikan ko tuloy siyang mabato ng buto ng manok.

"Naamoy niyo ba iyon?" tanong ni Sungmin at tumingin siya sa paligid.

"Taong lobo," sagot ni Luke at tumingin si Kwangyeon sa paligid.

"Nasundan na nila tayo," saad ni Kwangyeon nabigla na lang ako ng bigla akong tabigin ni Luke at nakita ko ang pana sa aking inupuan, kasunod nun ay ang paglabas ng lalaking nakaputi at ng mga lobo sa paligid namin. Mahigit 30 lobo at 10 tao na parang baliw at wala sa wisyo ang nasa paligid tapos 'yung lalaking nakaputi.

"Ang pangit ko shet," sabi ni Luke at tumingin ako sa kaniya "Ikaw 'yan?" I asked him.

"Sinabi ko na sa'yo 'diba? Mag-iingat ka kay Donggun," sagot niya sa akin. Agad na sumugod ang mga lobo at agad naman akong inilag ni Luke, si Kwangyeon naman at pinoprotektahan si Suah."

Pero 'di mo sinabing iisa kayo! Bwisit ka!" sagot ko naman sa kaniya at binato ko si Suah pero 'di niya napansin.

Lalapit pa kasi sa asawa ko e bwisit.

"Walang hiya ka! Ikaw yung dahilan kung bakit ako nakabalik sa atin?! Peste ka nilaglag mo pa ako sa bangi—aaahh!" napasigaw ako ng may patayin si Luke na lobo sa harap ko.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon