Chapter 15: New dimension
BUONG gabi akong hindi nakatulog habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Luke. Parang biglaan sa isang hampasan lang, nalito ako sa mga nangyayari. Pero mas ginugulo ako sa pag-iisip kung paano mapupuntahan si Kwangyeon, kung paano ko siya makikita ulit. Ang dami kong gusto itanong sa kaniya.
Noong nagkasakit ako, siya ang dahilan kung bakit ako naging masaya at hindi ko masyado inisip ang sakit ko. Tiningnan ko ang phone ko at nawala ang mga litrato naming dalawa.
Nawala siya na parang bula.
Siguro mas gusto niyang hindi ko na siya maalala, ako rin naman eh. Ayoko na maalala pa muli siya pero siguro gusto ng puso ko, kungbaga malakas ang tama ko sa kaniya. Mahal na mahal ko yung bampirang iyon. Nakakaurat ng bangs.
"Anak, nasa ibaba si Luke," nadinig kong sabi ni mama mula sa pintuan ko.
"Ayoko siyang makita..." sagot ko sa kaniya.
"Anak, gusto ka niyang makita kahit ayaw mo daw siyang makita," muling sabi ni mama sa akin.
"Magpakita na lang siya sa akin kapag alam na niya kung paano babalik si Kwangyeon," sagot ko muli kay Mama.
"Sino si Kwangyeon?" tanong naman ni Mama sa akin.
"Mama, siya yung madalas na nagbabantay sa akin sa hospital dati. 'Yung hindi natutulog t'wing gabi. Hindi mo ba siya naaalala?" tanong ko pabalik sa kaniya. Napaisip naman si Mama sa mga sinabi ko sa kaniya at saka napakamot ng ulo niya.
"Wala ka namang pinapakilalang Kwangyeon sa akin. Ginny, si Luke ang madalas na nasa hospital para bantayan ka," sagot ni Mama. Maging siya ay nakalimutan din si Kwangyeon. Lahat ng taong nakakilala o' nakakita sa kaniya ay nalimutan din siya. No wonder why Terri forgot about him too.
"Wala ba? Sayang naman at hindi ko siya naipakilala sa iyo," nanghihinayang kong sagot ko sa kaniya at saka ako muling naluha. Isa si Kwangyeon sa pinakamagandang dumating sa buhay ko pero nakalimutan ko siya ng ganoon na lang.
"Ginny, let's talk please?" pakiusap ni Luke pero sinigaw ko na ayoko makipag-usap sa kaniya.
"Luke, ayaw daw niyang makipag – usap sa'yo eh."
"Tita, ibabalik ko lang yung comic book na naitapon ko na naging dahilan kung ng himutok niya," nadinig ko na pagdadahilan ni Luke sa kaniya.
"Nagpapabebe lang 'yan kaya ikaw na ang bahala sa kaniya," sagot naman ni mama sa kaniya. Inikot ko ang mga mata ko dahil sa sagot ni Mama tapos ay nakarinig na ako ng yabag palayo.
"Ginny, let's talk," sabi niya sa akin pero hindi ako sumagot.
"Alam kong galit ka, natakot lang naman ako na mawala ka ulit," sabi niya muli sa akin.
"Matapos mo akong saktan at manipulahin ang mga naalala ko?" sagot ko naman pabalik sa kaniya.
"Hindi kita minanipula, Ginny. May mga nabago kasi ng dumating si Kwangyeon kaya nawala ang alaala mo tungkol sa kaniya," pagpapaliwang niya sa akin."Nawala ang alaala mo dahil isa lamang ilusyon, drawing, storya, alamat. Hindi siya totoo."
"Edi sana sinabi mo sa akin na merong Kwangyeon para naalala ko siya agad. Luke pakiramdam ko kalahati ng buhay ko ang nawala nung umalis si Kwangyeon," saad ko sa kaniya at saka ako lumuha.
Ayan, umiiyak na naman ako.
"Mahal ko siya."
"Ginny, hindi siya totoo."
"Bakit ka nag-eexist kung 'di siya totoo?" tanong ko pabalik sa kaniya. Napahawak siya sa buhok niya at halatang naiinis na.
"Ginny, maniwala ka na lang kasi sa akin," sagot niya sa akin pero matigas ako.

BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Fiksi UmumGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...