Chapter 28: Running For Life

463 10 0
                                    


Chapter 28: Running For Life

KANINA pa kami takbo ng takbo ni Kwangyeon, dinig na dinig ko ang bawat hingal niya at alam kong pagod na siya. "Kwangyeon ibaba mo na ako kaya ko namang tumakbo," sabi ko sa kaniya. Mabilis manghina si Kwangyeon ngayon at halata na ang pagod niya.

"Kaya pa kitang buhatin, kailangan nating bilisan dahil hinahabol na nila tayo," sabi niya sa akin.

"Ang mga taong lobo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin. Pumasok kami sa isang napakalaking puno na sa loob ay parang may bahay na 'di mo maintindihan, inilapag niya ako doon at sandali siyang naupo at pinikit ang mata niya at humingal.

"Kwangyeon, ano bang meron? Lahat na lang hinahabol ka pati aso ata may crush sa abs mo." tanong ko sa kanila.

"Bumalik sila upang tapusin ako," saad niya sa akin.

"Bakit ka ba nila gustong patayin? Masyado ka talagang wanted dito sa Joseon," tanong ko sa kaniya. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Kwangyeon dahil kakatapos lang nang kasal naming dalawa, at gagawa na kami ng masayang pamilya.

"Ginny, masama ako kaya maraming gustong pumatay sa akin," paliwanag niya sa akin. Nakita ko ang sadness sa mga mata ni Kwangyeon.

"Sabihin mo nagbago ka na, hindi ka naman na nila siguro papatayin kung makikita nilang mabait ka na."

"Hindi mabibigyan no'n ng hustisya ang mga ginawa ko," sabi niya sa akin at saka niya ako tiningnan.

"Kakausapin ko sila baka makinig sila sa akin, convincing akong tao at sigurado ako na bibigyan ka nila ng chance," sabi ko sa kaniya at saka ako nagtangkang lumabas.

"Ginny, huwag ka naqng lumabas pa dahil mapanganib." Pagpigil niya sa akin at saka niya pinakita ang pangil niya para matakot ako sa kaniya.

"Kabilugan ng buwan ngayon at malakas sila, ayoko mang sabihin pero wala na akong kakayahan para labanan sila," sabi niya sa akin at hinila niya ako sa tabi niya.

"Pero kakausapin ko lang naman eh. Siguro 'di naman nila ako susugurin kung kakausapin ko sila nang maayos," pagdadahilan ko sa kaniya.

"Hindi, ayokong idamay ka nila sa gulong ito," saad niya sa akin.

"Hindi tayo aalis hanggang sa 'di nawawala ang mabahong amoy nila," dagdag pa niya sa akin at sinandal niya ang ulo niya a akin balikat.

Mahigpit din niyang hinawakan ang aking kamay. Napangiti ako dahil do'n, kahit nasa panganib kami di ko mapigilan ang maging masaya. Kahit anong panganib ay susuungin ko basta kasama ko si Kwangyeon.

Hindi nagtagal ay nakatulog si Kwangyeon dahil sa pagod niya. "Akala ko madali na pagkatapos nating ikasal." Sabi ko sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang pisngi ngunit laking gulat ko ng lumagpas ang kamay ko sa kaniya.

Parang naging multo ang kamay ko dahil sa pagtagos nito sa kaniyang pisngi. Literal akong napanganga dahil doon. Inulit ko pa ang paghawak sa pisngi niya pero 'di na iyon lumagpas.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko at muling hinawakan si Kwangyeon at tumangos ulit ang kamay ko pero pagkatapos ng ilang subok e hindi na rin tumagos, teka hindi kaya ibig sabihin nun ay pinapabalik na ako sa totoong mundo? Hindi naman siguro, wala naman akong ginagawang masama sa istorya na 'to.

Umaga ng mapagpasiyahan naming umuwi ni Kwangyeon. Hindi na siya gaanong napapaso sa araw hindi tulad ng dati na kahit hindi gano'n kaliwanag eh nagkakapaso na siya. Nilakad namin ang gubat, mahigpit akong hawak ni Kwangyeon napatingin ako sa kaniya agad niya akong nilagay sa likod niya.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon