Chapter 23: Broken trust

519 10 0
                                    


NAGISING ako dahil sa mumunting bulungan sa tabi ko, boses ito ni Kwangyeon at ng isang babae. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Suji na malapit kay Kwangyeon at nag-uusap sila ng mataimtim.

Itinaas ni Kwangyeon ang mukha ni Suji at akmang ilalapit ang mukha niya dito at pilyong ngumiti. Imbes na maganda ang gising ko bigla akong naurat dahil doon.

"Ipinangako kong gagawin ko ang lahat para sa iyo Panginoon," sabi nung Suji.

Bumangon ako at bahagyang lumapit sa kanila para makinig.

"Talaga nga ba? Sa pagkakaalam ko ay kinasusuklaman mo ako," sagot ni Kwangyeon.

"Naalala ko kung gaano ka katakot sa akin ng dinala ka ng ama mo dito para pagsilbihan ako. Naaalala ko ang batang iyon na lumaki na bilang isang napakagandang dilag," saad ni Kwangyeon sa kaniya. Hindi mapigilang kumulo ng dugo ko sa mga sinasabi ni Kwangyeon.

"At ang dilag na iyon ay nagtataglay na ngayon ng labis na pag-aalala sa inyo Panginoon. Sa ginagawa niyo kasama ang dayuhan kinakatakot ko na maging dahilan ito ng paghina niyo," sagot naman ni Suji sa kaniya. Ngumiti si Kwangyeon at umatras saglit para kumuha ng dugo sa isang balde na dinala ng mga kawal para sa kaniya.

"Natatakot akong umibig kayo sa isang tao --" saad muli ni Suji.

Agad na lumapit si Kwangyeon sa kaniya ng mabilis at hinapit ang beywang nito na para bang hinahalikan ang tainga nito. Nanigas ako ng makita ko iyon at nasaktan. Pakiramdam ko may kung anong tumusok sa heart ko at napaatras ako.

"Hindi ako hangal para umibig sa isang tao Suji." saad ni Kwangyeon. mas lalo pa akong nahurt nakita kong ikiss siya saglit ni Kwangyeon sa lips.

"Binabalik niyo ba ang nararamdaman ko sa inyo panginoon?" tanong ni Suji sa kaniya na may halong pamumula. Mahinang ngumiti si Kwangyeon.

"Hindi ako ganon kata--" natigil si Kwangyeon ng makalikha ako ng ingay. Natumba ko kasi yung mga gamit sa kinakalagyan ko dahil nanghina ako. Talo ko pa ang may sakit dahil biglang humapdi ang aking dibdib na tila ba pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

"Ginny," tawag niya sa akin pero nanatili akong nakatayo lang.

"Kanina ka pa ba diyan? Bakit ka nakikinig sa usapan namin ng Panginoon ko?" mataray na tanong sa akin ni Suji pero nanatili lang ako na tahimik.

"Pasensya na, clumsy lang ako. Sige mag-usap lang kayo diyan. Maglaplapan din kayo kung gusto niyo," dagdag ko pa at saka ako tumalikod sa kanila.

"Sandali lamang Ginny!" tawag niya sa akin pero di ko na siya nilingon pa.

Marahil ay dapat bumalik na lamang ako sa mundo ko. Siguro hindi talaga kami para sa 'isa't- isa. Marahil, 'di ako ang makakatuluyan niya sa istoryang ito.

Buong araw akong tahimik at hindi siya kinakausap. Nandoon lang ako sa tulugan ni Minah at tinutulungan siyang gumawa ng mga sapatos na yari sa abaka.

"Ate, gusto mong sumama sa bahay para kumain?" tanong sa akin ni Minah pero hindi ko siya sinagot.

"Ate, kanina pa nagtatanong si panginoon kung bakit hindi mo raw siya pinapansin," tanong muli ni Minah sa akin.

"Aba nagawa pa niyang magtanong eh enjoy na enjoy sila sa paglalandian diyan, sabihin mo sa kaniya magsama na sila ng Suji niya," sagot ko sa kaniya.

"Ang ate Ginny ko ba ay nagseselos? Ramdam ko iyan. Huwag kang mag-alala, talagang ganyan lang ang Panginoon kay Suji este sa kamahalan..." saad niya sa akin.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon