Chapter 4: Suspiscious

874 21 0
                                    



Chapter 4: Suspiscious

"SAAN ka pupunta?" Nakasukbit na sa aking balikat ang bag ko at handa na akong bumaba para pumasok ng maalipungatan si Kwangyeon at saka tumingin sa akin, dahil madalas tulog si Kwangyeon sa umaga, 'di na niya naabutan na pumasok ako sa school, minsan pagdating ko pagising pa lang siya. 6PM ang uwi ko sa bahay at alas- syete naman ng umaga ang pasok ko.

"Papasok na po ako sa school."

"Pupunta ka pa rin doon kahit na 'di ka pa nakakatulog ng maayos?" tanong niya sa akin.

"Sanay ako sa puyatan no? Minsan nga alas-singko na ako ng madaling araw natutulog kapag nanonood ako ng drama. Sige na, mauna na ako." Sambit ko sa kaniya at saka ako ngumiti.

"Sandali lamang!" Giit niya at saka siya nagteleport sa harap ko. "Bakit? May gusto ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Kaya mo ba talagang pumasok?"

"Oo naman, kaya ko! At saka pwede naman akong matulog sa jeep at LRT kaya huwag kang mag-alala sa akin. Kolehiyo na ako kaya 'di din masyado malaking deal kapag nahuli ako sa klase." Napalunok siya sa harap ko.

"Pero... Huw-- Dito ka... Ano..."

"Ano? Diretsahin mo na ako?"

"Pwedeng huwag ka na lang pumasok?" Napangaga ako sa kaniyang tanong sa akin.

"Hindi pwede no? May quiz kami sa Literature ngayon. Ano bang pumasok sa isip mo at ayaw mo akong papasukin ngayong araw?" tanong ko sa kaniya.

"Wala lang... Gusto ko lang na magpahinga ka. Sa kama ka--kasama... sa ta--- basta gusto kong magpahinga ka!" sambit niya sa akin habang namumula ang tainga niya. Napangiti ako at saka hinawakan ang pisngi ko, pakiramdam ko sasabog ako sa pula dahil kinikilig ako.

Gusto ba niya akong makasama?

"Pwede bang sumama ako sa'yo? Sasama ako sa tinatawag mong school?" tanong niya sa akin.

Nanlaki ang aking mata dahil sa kaniyang tanong. "Teka, gusto mong sumama sa aking school?"

"Oo, ihahatid kita. Ano... para habang nasa daan ka maari kang matulog ng walang inaalala."

"Hindi pwede!" Ano na lamang ang iisipin ng mga tao kapag nakita nila na kasama ko siya. I mean wala namang mali sa itsura ni Kwangyeon. Gwapo, medyo long haired, macho, dream guy, antipatiko, masungit, nakakaakit kahit walang ginagawa pero nakasuot siya ng itim na pantalon at bathrobe. At kahit ang weird no'n tingnan e sobrang hot pa rin niyang tingnan.

Paano kung maagaw siya sa akin dahil temptation is everywhere--- that's not the case!

"Sasama ako sa ayaw mo at sa gusto."

"Pero bampira ka, baka masinag at malusaw ka."

"Nakikita ko sa telebisyon na may gamit kayong pananggalang. Gagamitin ko ang ganoon mo para 'di ako masaktan." Sabi niya muli sa akin.

"Kwangyeon!"

"Ayaw mo ba akong sumama sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Hindi sa ayaw ko... pero..."

"Sasama ako sayo, Ginny. Sasama ako sa'yo." Sambit niya sa akin at saka niya kinuha ang payong ko na nakapatong sa aking study table. Binuksan niya ang bintana at saka ang payong. "Hihintayin kita sa labas." Giit niya sa akin at saka siya tumalon palabas ng kwarto ko.

Rinig na rinig ko ang pag-inda niya sa sinag sa araw. Nagmadali naman akong bumaba para sundan siya. Hindi na nga nakapag-paalam kay Mama na busy sa paglalaba niya.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon