Thank you if you made it this far. Please comment down below your comments for this story.
GINNY ALMAZAN'S POINT OF VIEW
NANATILI ako sa hospital ng dalawa pang linggo bago ako inuwi sa bahay ni Tita Ariana, saka naman kami umuwi sa Pilipinas para ituloy ang buhay ko. Malungkot isipin na nawala rin si Luke, walang kahit na sino ang nakaalala sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy lahat ay isang napakahabang panaginip, pakiramdam ko nalula ako sa kakapanood ng Korean drama at kakabasa ng manhwa ng Midnight Romance kaya nalunod ako, napasok sa kwento ni Kwangyeon at Sungmin.
I stayed in my room all the time, remembering every piece of detail na nangyari nung gabing 'yun. I remembered how he stared at me until I vanished. I remember how I wanted to hug him more to feel his cold body, I remembered the pain in my chest when he tried to save me from dying. Naalala ko ang lahat at ngayon, wala man lang kahit na anong ebidensiya that those things happened.
As If it was a dream, It was a story, It was a book at kung sakaling totoo man iyon. Hindi ko na rin siya makikita, he died almost 200 years ago kung tutuusin.
His existence vanished, gano'n din ang mga kaibigan namin. Tanging legend lang at ang so called accomplishment ng isang hari na nagngangalang Lee Gak. Isang hari na naging hayok sa hustisiya at hinayaan na maging ganid siya imbes na makatulong pa.
"Ginny, may bisita ka, narito si Breanna Jeon," anunsyo ni Mama sa labas ng kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka mahinang bumangon.
"Papasukin mo po siya Mama," sagot ko at maya-maya pumasok siya sa kwarto ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti siya sa akin.
"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin.
"Ano sa tingin mo?" I asked her.
"Alam ko mahirap, but things happened for a reason," sagot niya sa akin.
"Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw, there were some big changes when you woke up," dagdag pa niya sa akin at ngumiti siya sa akin. May kinuha siya sa bag niya at nakita ko ang Iphone ko na hawak niya, gamit ko ito nung nasa Joseon pa ako.
"Bakit na sa'yo yang phone ko?" I asked her. Medyo dirty white na ang kulay nito at parang naluma na.
"200 years ago, naiwanan mo 'yan sa akin," sabi niya sa akin at ngumiti siya sa akin.
"200 years ago?" I asked her
"Anong ibig sabihin mo?" I asked her.
Muli siyang ngumiti sa akin bago siya nagsimulang magsalita ulit. "200 years ago, isa akong bata. Pinasundan sa akin ng panginoon ko ang isang babae na sobrang haliparot kung kumilos," sabi niya sa akin. Nanginig ang luha ko at napailing ako, 'di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating. "Paano? Nasa libro si Minah," sabi ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin. "Ate Ginny, totoo ako," sabi niya sa akin. Naluha ako dahil sa mga nalaman ko. Biglaan niya akong yinakap ng sobrang higpit yung gigil na gigil na yakap ang ginawa niya sa akin. "Miss na miss kita Ate Ginny," iyak niya sa akin.
"Impossible, 'diba sa libro ka ako pumasok?" I asked her.
"Sa libro ako pumasok eh, sa libro!" sabi ko sa kaniya.
"Sa libro na hango sa totoong pangyayari Ate, naalala mo ba noong sinabi kong naging time machine ang libro? Para siyang genie kumbaga. Humiling ang panginoon na makita at tinupad niya, at ng humiling ka naman na may buong pagmamahal tinupad niya rin ito," sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
General FictionGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...