Chapter 37: Sacrifice
GINNY ALMAZAN'S POINT OF VIEW
"MINAH, 'wag kang matakot ha? Gagaling ka din, kami ang bahala sa'yo," paninigurado ko kay Minah, mahina naman siyang tumango sa akin. Pumasok sa loob ng tent si Sungmin at Luke. "Hindi ba bampira rin kayo ni Sungmin? Bakit hindi niyo man lang napagaling si Minah?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Sinubukan ko pero kagat ng lobo ang nakadali kay Minah at hindi namin siya mapagaling. Napabagal lang ng dugo namin ang pagkalat ng impeksyon niya. Isang bampira lang na kasing lakas ni Kwangyeon ang maaring makapagpagaling sa ganyang impeksyon," paliwanang ni Luke sa akin.
"'Pag napagaling na siya ni Kwangyeon, hindi na ba siya mamatay?" tanong ko kay Luke, umiling ito sa akin.
"Kwangyeon needs to turn her into a vampire para masigurado ang paggaling niya," sagot sa akin ni Luke tumingin ako kay Kwangyeon na parang nag-iisip ng malalim.
"Nahihibang na ba kayo? Hihina na ang ginoo 'pag ginawa pa niyang bampira ang batang iyan, mas lalo siyang hihina," sabat ng Suah the secret snake at tumingin ako sa kaniya.
"Mahalaga si Minah sa 'min, at kung kailangan ni Kwangyeon ang tulong ko pagkatapos gagawin ko, ano bang pinuputok ng dede mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wala kang alam sa kalagayan ng Ginoo at hindi mo rin alam na kasalanan mo kung bakit siya nanghihina," sabi ng Suah na iyon sa akin at pinanlisikan niya ako ng mata.
"Walang may kasalanan!" sigaw ni Kwangyeon sa malalim niyang boses at kinuha nito ang kutsilyo. Nakita kong hiniwa niya ang kaniyang braso at tumulo ang dugo doon, at saka niya ito tinapat sa bibig ni Minah at pinainom niya ito ng dugo.
"Kaya tigilan niyo na ang pag-aaway niyo dahil alam ko ang ginagawa ko," dagdag pa ni Kwangyeon at saka niya pinainom ang bata.
Hindi nagtagal ay parang naging uhaw si Minah at uminom pa ng marami mula kay Kwangyeon.
"Sige lang, damihan mo pa," saad ni Kwangyeon hanggang sa muling mawalan ng malay si Minah. "Sungmin, maghanda kayo ng dugo, pagkagising niya ay uhaw ang mararamdaman niya.
"'Wag niyo munang palapitin ang kahit na sinong taong malapit sa kwartong ito. At sa oras na gumising si Minah, agad niyo akong tawagin upang mapakalma siya," saad ni Kwangyeon sa malumanay niyang boses.
"Masusunod, Kwangyeon," saad ni Sungmin at lumabas sila ni Luke sa loob ng kwarto.
Sumunod na din ako pati yung Suah na iyon na parang iritang irita sa akin. Like duh, wala akong pakialam sa kaniya. Agad kong kinuha ang panyolito ko at tinakip ito sa sugat ni Kwangyeon habang naglalakad kami, tahimik lang siya na nakatingin sa akin habang ginagawa ko iyon.
"Masakit ba?" tanong ko sa kaniya.
"Sanay na ako," sabi niya sa akin.
"Tinatanong kita kung masakit, kahit sanay ka na kung masakit pa rin.Masakit pa rin 'yon," sabi ko sa kaniya.
"Nawala na ang sakit na nararamdaman ko nang ginamot mo 'to," sagot niya sa akin at saka niya ako hinalikan sa ulo ko.
"Magiging okay naman si Minah 'diba?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman," sagot niya sa akin. "Ang mahalaga sa akin ay mabuhay siya, ayoko ng maging dahilan pa ng kamatayan ng iba ang tanging nais ko lang ngayon ay maging dahilan ng masayang buhay," sabi niya sa akin.
Narating namin an gaming kwarto at doon nahiga muna si Kwangyeon at saka ko naman siya tinabihan. Malipas ang ilang sandali ay nakatulog din ako dahil sa sobrang pagod pero agad din akong nagising ng marinig ko ang malalim na paghinga ni Kwangyeon, kasunod nun ang mahihina niyang daing. "Kwangyeon, anong nangyayari sa'yo?" tanong ko sa kaniya pero ang kamay lang niya ay nakaturo sa kaniyang puso. Para siyang nakakaramdam ng sobrang hapdi at sakit.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
General FictionGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...