Chapter 35: Jealousy

501 9 0
                                    

Chapter 35: Jealousy

INIWAN ko si Ginny na nakikipaglaro kay Minah at Bona habang naglalaba sila sa batis, kasama naman nila ang ibang kawal kaya kumpante ako na bumalik sa aming kampo. "Suah, hayaan mo na sila Bona ang gumawa niyan, mayro'n ka pang pilay." Sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin.

"Ginoo, nakabalik ka na pala mula sa lakad mo. Akala ko ba ay mamasyal kayo ng iyong asawa?" tanong niya sa akin.

"'Yun nga sana ang gagawin namin pero nasabik sila ni Minah sa isa't isa. Napagpasiyahan nilang maglaro muna ni Ginny," sagot ko sa kaniya at saka ako mahinang ngumiti.

Abala kasi si Suah sa pag-aayos ng mga nakaimbak na pagkain, nilalabas niya ang mga kimchi upang sa labas iimbak. Kinuha ko ang isang banga at ako ang nagbuhat nito. "Napakaswerte ng binibini sa piling niyo," sabi niya sa akin.

"Nagkakamali ka sapagkat ako ang maswerte sa kaniya," sagot ko naman sa kaniya.

"Hindi ko akalaing buhay pa siya," sagot niya sa akin.

'Ikaw lang naman ang walang tiwala sa mga sinasabi ko. Kahit na sinasamahan mo ako para hanapin siya alam kong isa ka rin sa mga taong naniniwalang patay na siya," sagot ko sa kaniya.

"Sa totoo niyan Ginoo. Sumama ako sa paghahanap sa kaniya dahil sa..." sabi niya at saka siya namula sa aking harap.

"Dahil saan?"

"Dahil sa nais ko kayong makilala at makasama. Gusto kong maging katuwang niyo ako lalo na at wala na si Ginny nung mga oras na iyon. Nais ko kayong tulungan na maging masaya kahit wala siya," sagot niya sa akin at dumiin ang hawak niya sa banga na hawak niya .

"Ginoo, alam kong hindi tama ngunit nahulog po ang loob ko sa inyo sa saglit na oras na magkasama po tayo," saad niya sa akin. Sa pangalawang beses ay may isang tao ang nagkagusto sa akin, isang katulad ni Suah.

"Ginoo, Mahal kita, alam ko sa sarili ko na mahal kita kaya ako sumama sa'yo dahil nais kitang makapiling at sa nais kitang makasama hanggang sa huli ng aking buhay. Handa akong maging bampira rin, hindi kita iiwanan," saad niya sa akin at punong puno ng pagasa ang kaniyang mga mata.

"Ipagpatawad mo Suah ngunit hinding-hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo sa akin," sagot ko sa kaniya.

"Alam kong maibabalik mo 'to Ginoo, alam kong nahuhulog ka na rin sa akin naputol lamang iyon ng dumating muli ang iyong asawa galing sa ibang mundo—"

"Dumating man siya o hindi. Siya pa rin ang mamahalin ko Suah at hindi mawawala iyon," sagot ko sa kaniya pero umiling lang siya na parang hindi makapaniwala.

"Si Ginny, hindi siya galing sa mundo natin 'diba?'Pag siya ay tuluyang nawala at bumalik sa kaniyang mundo, handa akong maging kapalit niya sa puso niyo, Ginoo," aniya at saka niya ibinaba ang banga na hawak niya lumapit siya sa akin.

"Mas masarap akong magmahal kaysa sa Ginny na iyong mahal," dagdag pa niya sa akin.

"Suah, kahit na kailan ay walang papalit kay Ginny sa puso ko. Kung babalik siya sa hinaharap ay susundan ko siya, kung hindi na iyon pwede ay hihintayin ko siya. Ipagpatawad mo Suah ngunit, wala na akong ibang babaeng iibigin pa. Tanging si Ginny lamang ang mahal ko," sabi ko sa kaniya at saka siya napayuko.

"Wala siyang ibang dala kundi ang kapamahakan mo Ginoo, samantalang ako ay tunay na pagmamahal lamang," sagot niya sa akin pero tumanggi siya, kinuha ko muli ang banga. "Tapusin na natin ang pag-aayos dito at kakalimutan ko ang mga sinabi mo sa akin Suah," saad ko sa kaniya.

"Ngunit Ginoo, nagsasabi lang naman ako ng totoo nang dahil sa taong iyan ay nanghihina ka. Hindi dapat siya ang pinili mong mahalin dahil ipapahamak ka lang niya. Ako, hindi kita dadalhin sa panganib," sabi niya sa akin at binitawan niya ang hawak niyang bunga, nabasag pa ito ngunit 'di na niya inalintana iyon. Lumapit siya para halikan ako.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon