Chapter 26: Starting Anew

499 11 0
                                    


 Chapter 26: Starting Anew

"AYOKONG sumama sayo Kuya Sungmin!" reklamo ni Minah habang kasalukuyan kaming kumakain sa so called reception ng aming kasal.

"Hindi, unang gabi nila bilang mag-asawa kaya hindi pwedeng nandito ka," saad naman ni Sungmin.

"Hayaan mo na lang siya, kung gusto niyang dumito" saad naman ni Kwangyeon. Tumingin ako ng masama kay Kwangyeon.

"Bakit?" tanong niya sa akin. "Honeymoon natin, hindi pwedeng nandito ang atribidang iyan. Baka di tayo magkaanak," saad ko sa kaniya.

"Hindi ko naman kayo guguluhin Ate Ginny. Hindi naman ako malas," sagot ni Minah at ngumuso siya, hindi naman dahil sa malas siya. Atrabida kasi ito, baka hindi ko mahubaran si Kwangyeon mamayang gabi kung nandito siya. Napasmirk na lang ako, gagawa kami ng baby.

"Hindi ka malas, atribida ka kasi. Mana ka sa akin, baka mamaya hindi kami makagawa ng bata ng dahil sa'yo." sagot ko naman sa kaniya.

"Gano'n talaga Ate Ginny, hindi ka kasi magandang impluwensya sa batang katulad ko. Nagmana lang ako sa'yo," sagot naman niya sa akin. Muntikan ko siya hampasin dahil doon, mabuti na lang ayaw ko maistress.

"Ginny, unang gabi pa lang naman natin saka di naman ibig sabihin nun ay-- Ano mag-ano basta" saad ni Kwangyeon sa akin.

"Kahit na, dapat ay solo niyo ang isa't isa kaya Minah sumama ka na lang sa akin," sabi naman ni Sungmin sa amin

"Ayoko Kuya Sungmin."

"Tatlong gabi lang naman. Maiinis ang kuya Jung Ah mo at babangon sa lupa kung makulit ka," saad ni Sungmin.

"Jung Ah? Kapatid niya si Jung Ah?" tanong ni Kwangyeon at tuluyan ng napunta sa attensyon nito.

"Oo, bunsong kapatid," sagot ni Sungmin. Tiningnan ni Kwangyeon si Minah.

"Huwag kang mag-alala panginoon, hindi ako galit sa'yo," sabi naman ni Minah at ngumiti ang bata. "Crush nga kita e." pabebe pa nitong saad.

"Pinatay ko ang--"

"Hep! Magtigil ka panginoon, huwag mong sirain ang gabi niyo ni Ate Ginny," saad naman ni Minah at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay ni Kwangyeon at tumingin ito sa akin. Masyado siyang nakukunsensya sa kaniyang nagawa. Ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi galit si Minah sa'yo," saad ko sa kaniya.

"Sige na nga sasama na ako sayo Kuya Sungmin, ngunit tatlong gabi lang ah? Hindi pwede na walang kasama ang panginoon ko dito, burara pa naman si Ate Ginny ko baka mainis ang Panginoon," sabi ni Minah at ngumunguso pa ito. Mahinang kinurot ni Sungmin ang pisngi ng bata at nagpatuloy kami sa pagkain.

Nanatiling tahimik si Kwangyeon matapos n'on. Dahil sa biglaan niyang pagtahimik ay ako na lang ang naghatid kay Sungmin at Minah sa labas.

"Ingatan mo si Minah ha? Masyadong mahalaga ang batang yan kay Kwangyeon," sabi ko kay Sungmin.

" Masusunod Ginny," sabi niya sa akin.

"At tungkol nga pala sa aming alitan," saad ni Sungmin sa akin. Tumingin ako sa kaniya.

"Matapos nito, babalik na naman ang lahat sa dati. Hindi nagbabago ang pagnanais ng prinsipe na patayin si Kwangyeon kahit na nakikita niyang nagbabago ito," aniya at bumuntong hininga siya.

"Alam kong hindi dapat ito ang sinasabi ko ngayon ngunit nag-aalala ako sa'yo at sa maaring mararamdaman mo," sabi niya muli sa akin.

"Pagkatapos nito, isasama ko ulit si Kwangyeon sa amin kahit sumuway na ako sa mga rules na sinabi ni Luke," sabi ko sa kaniya.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon