Fragments of Memories
Ginny
ANG BILIS lumipas ng panahon. Matagal na rin pala mula ng gumaling ako. Everything seems so different nang gumaling ako. Akala ko noon magagaya na talaga ako kay Papa e pero hindi. I lived Nabuhay pa ako para makasama si Mama, para matupad ang mga pangarap namin. I can live and enjoy life, and I'm thankful to God, I'm blessed to have this second chance.
Pero 'di ko maintindihan kung bakit may mga oras na nalulungkot ako sa hindi ko malamang dahilan. May kung anong bigat sa puso ko. Na tila ba may isang alaala akong pilit na kinalimutan. Minsan may napapaganipan ako na iniiyakan ako'ng lalaking nakatalikod sa akin. Pakiramdam ko sobrang sakit nung iniiyakan ko.
May mga oras din na may bigla akong naalala, parang isang panaginip na imposible naman na mangyari. Isang panaginip na tila ba ayaw ko ng iwan. Minsan naiisip ko sumusobra na yata ako sa kakapanood ng Korean dramas at pag replay sa Music video ng Monster at Lotto kaya kung ano- ano ang naiisip ko.
Katulad nang tuwing may humahawak sa kamay ko. Hindi ko hinahanap ang init nito, lamig ang hinahanap ko. Pakiramdam ko kasi mas mainit kapag malamig, pakiramdam ko mas buo ako pag malamig.
"Hey, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman pala nakikinig." Padabog na nilapag ni Luke ang ballpen sa harap ko.
"Iniisip ko lang 'yung mga napapaganipan ko mula ng magising ako. Pakiramdam ko kasi totoo sila e." Sagot ko sa kaniya.
"Ang sabi ng doctor normal lang ang managinip dahil sa mga meds na iniinom mo to fully heal. Don't think too much about it." paliwanag niya sa akin.
"Pero Luke..."
"Lahat ng tao nanaginip, at ang mga panaginip dapat panatilihing na lamang na panaginip." Sagot niya sa akin.
"Alam ko Luke, I'm not making a big deal about it but it feels real. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ang laki ng kulang sa akin, Luke. Parang may nakalimutan ako kahit wala naman and my dreams are telling me something about it." pagdadahilan ko ulit sa kaniya.
Hinawi naman ni Luke ang buhok ko at saka niya hinalikan sa pisngi ko.
"Siguro ganyan talaga ang nangyayari sa babaeng kagagaling lang sa cancer pero nanonood na naman ng bulto - bultong k-drama. Alam ko na ang kulang na hinahanap mo, ito siguro ang kailangan mo." Sabi niya sa akin at saka siya may kinuha sa kaniyang bagpack.
"Ano naman 'yan ha?" tanong ko habang sumisilip sa plastic na hinuhugot niya sa kaniyang bag.
"Alam kong ikakabuhay 'to ng sistema mo." Sagot niya sa akin at may inilabas siyang mga pirated copy ng mga korean drama mula sa Plastik.
"Ano ba 'yan, bibili ka na nga lang ng regalo pirated pa!" natatawang reklamo ko sa kaniya.
"Anong gusto mo yung original? Sobrang mahal n'on, eh itong pirated CD 50 lang tapos madami pang drama sa loob..." sagot niya sa akin.
"Grabe ka talaga, kahit kailan talaga 'di mo sineryoso ang pagiging drama addict ko. Huling album na niregalo mo sa akin, third hand tapos may crack pa yung CD," sagot ko sa kaniya."Hindi ko pa pwedeng i-display kasi sira yung cover," dagdag ko pa sa kaniya.
"Ikaw, hindi man lang marunong mag pasalamat sa akin."
"Kuripot!"
"Manahimik ka dahil hindi ako mahuhulog sa harot mo!" napalingon ako ng marinig ko ang malalim na boses na iyon.
"Napakabalahura mo talaga! Hindi ka tuloy elegante at desente tingnan!'
Naririnig ko na naman siya, pakiramdam ko totoyoin na ang utak ko dahil sa boses na ito e.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
General FictionGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...