Chapter 32: Let's Meet Again

434 13 0
                                    


Chapter 32: Let's Meet Again

(Ginny Almazan's Point Of View)

MATAPOS ang dalawang linggo, pinayagan na ako ng doctor na lumabas ng hospital. Si Jonghyun, lumabas siya a week earlier kesa sa akin. Pumunta pa siya sa kwarto ko para sabihin na magre-resume na ang filming nila at dapat panoorin ko daw ang greatest portrayer ni Kwangyeon. Tapos ayo'n umalis na siya inakala ata niya na baliw ako.

Dinala ako ng Mama ko sa kapatid ni Papa na si Tita Ariana para doon muna kami tumira. Pangit naman daw kasi kung agad akong bumalik ng Pilipinas saka gusto rin ni mama na mabawasan ang depresyon ko. Gusto rin niyang mag-enjoy, total nasa Korea na kaming dalawa at pangarap kong makapunta dito. Kung alam lang niya na sobrang tagal ko sa Joseon Dynasty ng Korea at nakapag-asawa na rin ako ng bampira do'n.

Hindi ko naman pinapahalata sa kaniya na iniisip ko pa rin si Kwangyeon upang makalabas ako ng bahay at makita ang balon, pero sabi nga ni Luke.

'Hindi 'yon maaring mangyari, as in no way. Nalimutan ko siya dati pero naalala ko pa rin siya matapos. Paano pa kaya ngayon na naalala ko na nang buo ang lahat, sa tingin niyo ba makakalimutan ko siya?'

Lagi niya akong dinadalaw kasama 'yung misteryosang Breanna Jeon at pinipilit akong kalimutan na lang ang lahat pero hindi ko magawa iyon. Ngayon ngang sinubukan ko siyang kalimutan gamit si Jonghyun ay 'di ko kinaya e.

Kahit na anong pilit ko ay 'di ko kaya.

Kwangyeon is my life, kahit mukha akong maniyakis eh totoong sobrang mahal ko siya. "I'm sorry, if there are other ways na walang kapalit tutulungan sana kita," Breanna told me.

Nagising naman ang diwa ko sa sinabi niya doon ko lang na-realize na nakatulala na naman ako at iniisip kung ano ng ginagawa ni Kwangyeon.

Matagal na akong wala sa tabi niya baka iniisip niyang patay na ako. Baka iniisip niyang iniwan ko na siya.

"It's okay, teka 'diba Korean ka, bakit marunong kang magtagalog?" tanong ko sa kaniya at kumindat siya.

"It's not hard to learn the language, I'm studying it for Five hun—I mean 5 years ," sabi niya sa akin, tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Gano'n ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, maraming akong readers from Philippines kaya inaral ko yung language at saka friend ko din si Don—Luke!" aniya at saka siya mahinang tumawa sa akin.

"Ah, Ate—I mean Ginny, mauuna na ako ha, I have a manuscript to finish!" paalam niya sa akin, mahina akong ngumiti sa kaniya. Ang weird talaga no'n madalas niya akong tinatawag na ate e mas matanda naman siya sa akin.

"Maraming Salamat sa pagbisita sa akin, Breanna," sabi ko sa kaniya. Kinuha niya ang bag niya. Nagpaalam din muna siya kay Mama at Tita bago siya tuluyang umalis. Ako naman, pumasok ako sa kwarto at saka umupo sa kama. Binuksan ko ang laptop na pinahiram sa akin ni Tita Ariana at nag-search ng mga venue na pinagshootingan ng Midnight Romance, napangiti ako ng makita ko ang Chanbaek-gu wishing well.

It was a mythological well built before the Joseon Era, It was said to be haunted and it is where the legendary myth of a black vampire has started. During the Era of King Lee Gak, It was used as a body dump and as the 20th century approaches. Scientists discovered......

Napangiti ako sa mga nabasa ko, malapit na tayong magkita Kwangyeon.

NAGPLANO si Mama ng tour sa Korea, excited nga si Tita Ariana na dalhin kami sa iba't ibang tiyangge para mabilhan ako ng Kpop goods at merchandise. Dati kasi pag may gusto akong album kay Tita ako nagpapabili, papadalhan ko siya ng 1000 tapos tatlong album ang mabibili niya minsan pa doon daw siya tatambay sa labas ng music show tulad ng Show Champion, Mnet Countdown at Music bank tapos may mga fangirls at fanboys na nagpapamigay ng free albums na sobra nila kaya madalas tambak ang merchandises ko sa bahay, yung iba pinapamigay ko kay Hera.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon