Chapter 30: His Twin in the Present

525 11 0
                                    


Chapter 30: His Twin in the Present

I

(Kwangyeon's Point of View)

LANG ARAW ka nang hindi kumakain, kailangan mong mabawi ang lakas mo Kwangyeon," saad ni Bona sa akin habang pinipilit akong pakainin ng lugaw.

"Marahil ay dugo ang nais ng panginoon, ikukuha ko siya!" saad naman ni Minah. "Magnanakaw ako ng manok at kukunin ko ang dugo nito," dagdag pa niya at tumakbo na siya paalis pero pinigil ko siya.

"Wala akong gusto na kahit anong bagay o pagkain. Iwanan niyo na lamang ako," saad ko sa kanilang dalawa.

"Panginoon, 'di magugustuhan ni Ate Ginny ang ginagawa mo sa sarili mo," sabi ni Minah sa akin.

"Tama si Minah, namatay man si Ginny pero 'di ibig sabihin nun ay papabayaan mo na ang sarili mo. Hindi niya gusto na-" natigil siya ng sumigaw ako.

"Hindi pa patay si Ginny!" sigaw ko sa kaniya at pinakita ko ang pula kong mata, agad ko ring tinabig ang pagkain at ang mga bagay na nasa paligid ko.

"Hindi siya patay!" muli kong pilit sa kanila at saka ako umiyak ng tuluyan. Mahina nang tingnan kung sasabihin niyo pero alam kong hindi pa siya patay nararamdaman ko iyon at nasasaktan ako dahil sa wala akong magawa upang mahanap siya.

Paulit- ulit nilang sinasabi sa akin na wala na ang babaeng mahal ko pero ayokong maniwala. Alam kong buhay ang mahal ko, Alam kong buhay siya.

"Panginoon," saad ni Minah at saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Ayaw po ni Ate Ginny na malungkot kayo," saad niya sa akin pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Lumabas muna tayo at samahan si Sungmin doon para makapag-isip si Kwangyeon," suwestiyon ni Bona sa kaniya. Humiwalay ng yakap sa akin si Minah at mahina itong ngumiti.

"Panginoon, huwag ka ng umiyak baka magalit si ate Ginny kasi malungkot ka," saad niya sa akin.

Hindi nagtagal dumating na ang hapon at sumilip ako sa labas nakita ko sila Bona at Sungmin na naguusap ng mataimtim habang nagbabantay naman ang ibang tauhan ni Sungmin. Lumabas ako ng bahay at napatingin naman si Sungmin sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Hahanapin ko si Ginny, nag-aalala na ako sa kaniya."

"Kwangyeon, hindi ka pwede umalis dahil baka mapahamak ka na naman dahil sa mga taong lobo," babala niya sa akin pero nagmatigas ako.

"Wala akong pakialam kung saktan o patayin nila ako, gusto ko lang na mahanap siya," sagot ko sa kaniya.

"Maghigit dalawang buwan na ang lumipas mula nang mawala siya. Nakailang lipat na rin tayo ng lugar pero walang Ginny na nagpapakita sa atin. Patay na siya Kwangyeon kaya tanggapin mo na lang 'yon. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo dahil sa kadramahan mong 'yan," saad niya sa akin.

"Pero 'di ko nararamdaman na wala na siya, ang sabi ng puso ko buhay pa siya."

"Dahil ayaw mong tanggapin ang katotohanang patay na siya. Alam mo sa sarili mo na walang mortal ang nabubuhay kapag nalaglag sa matarik na bangin na iyon," pagpupumilit niya sa akin.

"Hindi!" sigaw ko at saka ako tumakbo paalis. Naglakad lakad ako sa paligid upang hanapin siya, para akong isang asong ulol dahil sa aking paghahanap na ginagawa.

Hanggang sa marating ko muli ang dati kong palasyo, madumi na ito ngayon at tanging mga gamit na huling ginamit namin ni Ginny ang nakita ko. Nakita ko ang kaniyang sisidlan at binuksan ko iyon puno iyon ng mga bagay na nakakapagpaalala sa akin ng tungkol sa kaniya. Ang kaniyang ngiti, boses, maging ang kaniyang kilos.

Midnight Romance [Reposted]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon