Chapter 29: Missing You
KWANGYEON, babalik ako," nadinig ko mula sa aking isip ang boses ni Ginny.
"Hintayin mo ako, 'wag kang maiinis at saka mainip, basta alam mo naman na sobrang mahal kita 'diba?" muli niyang saad sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at agad akong napabangon, dahil sa biglaang bangon ko ay sumakit ang buong katawan ko.
Si Ginny? Nasa'n si Ginny? Hindi siya maaring mawala
"Ginny!" sigaw ko ng maalala kong nawawala ang aking mahal.
Nawawala si Ginny, 'di pa nila nakikita si Ginny.
"Gising ka na pala," napatingin ako at nakita ko si Bona na nasa tabi ko at gumagawa ng gamot, sa isang sulok naman ay si Minah na natutulog.
"Si Ginny?" tanong ko sa kaniya.
"Hinahanap pa siya ni Sungmin, sa bangin nalaglag ang katawan kaya--"
"Bakit ba pinapalabas niyo na namatay siya, nalaglag siya doon at nasaktan siya, 'yun lang, Si Ginny ang nalaglag at 'di kung sino lang," sagot ko sa kaniya.
"Pero Kwangyeon, sa tarik ng banging iyon, malaki ang posibilidad na-- na patay na siya," sagot sa akin ni Bona.
"Hindi siya patay, kailangan ako na ang maghanap sa kaniya!" sigaw ko sa kaniya pero pinigilan niya ako.
"Kwangyeon, hindi ka pag magaling!" sabi niya sa akin at saka niya ako muling pinahiga.
"Magaling na ako, kaya kong tiisin ito, ang mahalaga sa akin ay makita ko na si Ginny," saad ko sa kaniya.
"Kwangyeon, hayaan mo na si Sungmin," sagot naman niya sa akin at saka niya ako tiningnan muli.
"Mag-aalala si Ginny kung 'di mo iisipin ang sarili mo," dagdag pa niya sa akin. Umupo ako ng maayos at tumingin sa paligid, wala kami sa bayan.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ka namin madala sa Moon Hwa Gwak dahil sa iniisip ng prinsipe na nagtraydor na si Sungmin sa kanilang misyon. Sil ang kumuha sa grupo nang mga taong lobo at ng puting bampira upang tapusin ka." Saad niya sa akin at saka siya bumuntong hininga.
"At bakit hindi kayo kumampi sa kanila?" tanong ko sa kaniya, bumuntong hininga siya na tila ba hindi din niya gusto ang naging desisyon niya pero ngumiti rin siya nang may naisip siyang magandang bagay.
"Nais ko man pero ito ang gusto ni Sungmin at naiintindihan ko na siya kung bakit nais ka niyang bigyan ng pagkakataon," sagot niya sa akin at saka siya napayuko.
"At ngayon nawawala na ang dahilang iyon," sagot ko sa kaniya at saka ako naluha.
"Si Ginny, napabayaan ko ang mahal ko." Pakiramdam ko sa pangalawang beses, muli na naman akong pumalya. Kagaya ni Miri, hindi ko siya naprotektahan at nawala na siya sa akin ng tuluyan.
Sobra akong nag-aalala para sa kaniya, hindi ko alam kung nasaan siya. Parang nung kailan lang ay sobrang saya naming dalawa dahil sa naganap naming kasal pero ngayon parang nawalan ng kahulugan ang lahat. Hindi nagtagal dumating na si Sungmin na dala dala ang punit na damit ni Ginny.
Inilahad niya ang tela na may dugong kasama sa ilang parte nito. "Kay Ginny ang dugong iyan," sabi niya sa akin at inabot niya ang telang ito. Umiling ako sa kaniya.
"Hindi," sagot ko sa kaniya at inamoy ko ang tela pero hindi ko na matukoy kung kanino ang dugong iyon.
'Epekto ito ng paghina ng kapangyarihan ko.'
BINABASA MO ANG
Midnight Romance [Reposted]
Ficțiune generalăGinny Almazan was an average loner, nerd and a loser. Matalino naman siya at maganda pero nang dahil sa pagiging bully ng former bestfriend niya na si Terri ay mas naging anti-social siya. Nililibang lang niya ang sarili sa panonood ng mga Korean d...