Chapter 8: "For some reasons"

233 16 0
                                    

LIAM


"Di ko alam kung bakit sa dami-dami nating kaklase, yung gagong Dwight na naman nakapares ko" sabi ko kay Rex habang nakakunot ang aking noo.


Nasa study area kami ni Rex. Naghihintay sa unang subject 9:30 am class namin at shempre nakasimangot ako.


"Bat ba kasi ang init-init ng ulo mo kay Dwight eh si Bright naman yung may atraso sayo di ba?" Ani Rex.


"Di mo ba pansin? Magkamukhang-mukhang silang dalawa. And everytime I see his face, nakikita ko rin sa kanya yung kapatid niyang manyak." Inis kong sabi kay Rex. "I couldn't even sleep well kagabi dahil nabibwisit ako sa gunggong na yun." Dagdag ko.


Nagkibit balikat si Rex at bumaling sakin ng tingin.


"Hmmmm. Baka mauwi yan sa the more you hate the more you love dude ha."


"NEVER!" Agaran kong tugon kay Rex. "Never in my entire fucking life!"


"Anong NEVER?" Sabay hampas ng mga kamay sa table namin.


Biglang sumulpot na parang bala ang kupal na si Dwight.


"Grabe hanggang dito ba naman? Sunod na sunod ka sakin?" Ani ko kay Dwight.


"Yes poooooo my hubbyyyyyyy." He teased me with his grinned teeth.


"Anong hubby sinasabi mo?" Napatayu ako at sinimangotan ang kumag.


"Dude, wag muna dagdagan ng bwisit umpisa ng araw mo." Pakiusap sakin ni Rex at pinaupo ako.


Pero nakadeath glare parin ako kay Dwight.


"You're hearing things Liam. Sabi ko buddy hindi hubby tsk."


"Buddy mo mukha mo!" Paaway ko kay Dwight.


"Uhhm okay gawin mo ng mag-isa yung math assignment na inemail ni maam satin kagabi. Ako wala naman akong problema to have it on my own. I can do it anyway."

Ang hambog ng kumag. He's so full of himself.


"Pero balita ko mahina ka daw sa math ever since highschool. I don't know baka chesmes lang yun ah." Insulto niya sakin pota!


"Kaya kong mag-isa yun wag kang assuming!" Giit ko kay Dwight.


"Aaaah okay." Napatango-tango siya. "So mauna nalang ako sa inyu. see you sa klase MY BABIE." sabay karipas palayu sa kinauupoan namin.


Pota talaga yung Dwight na yun. Kung ano-ano ng tinatawag sakin para mainis ako. He's really trying to get into my nerves.


"Teka dude. Sure kaba sa sinabi mo?" Tanong sakin ni Rex. "Don't expect anything from me kasi alam mo naman parehas tayung bano sa math. Di rin ako sigurado kung matutulongan ka ng kabuddy ko eh mukhang strikto yun."


"I'll look for someone na makakapagturo sakin sa math assignment. I will never lower my pride sa gagong yun akala siguro niya na matalinong matalino na siya." Sungit kong pahayag.


"Abay oo naman matalino talaga yun." agarang sumbat sakin ni Rex.


I slapped his head at napakamot siya. Tanga din to eh ano. Kung pwede lang makapaghanap ng di tangang kaibigan ginawa ko na. I'm stuck with this dumb ass friend. -.-


Patapos na yung klase namin at tumayo na kaming lahat para lumabas ng room. Lumapit na naman yung gagong Dwight sabay sabing...


"Just call me and i'll be there." Sabay phone call signal sa kamay niya at lumabas ng classroom.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon