Chapter 7: "My Buddy"

229 15 0
                                    

LIAM

Agad kong binuhat si Dwight at pinigyback ride. Dali-dali akong bumaba patungong counter at pinatawagan ni ate clerk ang ambulansya.


Balisa ako habang buhat-buhat si Dwight. Hindi mapakali.

Dumating na yung ambulansya at agad na pinasok at pinahiga si Dwight sa loob nito at nilagyan ng breathing apparatus. Agad rin akong umakyat at umupo sa gilid ni Dwight. Nakayuko at balisang nagdadasal.

Pagdating ng ospital ay agad na hinatid sa emergency room si Dwight. Samantalang nasa labas ako ng room nag-alala at di mapakali. 


Pota i didn't know ganon kagrabe allergy niya sa simpleng chocolate filling. -__- i thought he would just get some rashes all over his body tsk.


DWIGHT


Namulat ang aking mga mata at una kong nakita ang ilaw sa ibabaw ng kesame.


Nasa langit naba ako?


Inilibot ko ang aking mata pero hindi ko pa masyadong klaro ang aking paligid. Naramdaman ko ang breathing apparatus sa aking mga mukha.


Mukhang nasa ospital ata ako. Salamat at ako ay buhay pa.


Malalim parin ang aking hininga. Pagtingin ko sa kaliwang direksyon ng aking kama napansin ko ang isang lalaki. Nakaupo siya. Nakayuko at nakahawak ang kanyang dalawang kamay na para bang nagdadasal. Ito ata nagligtas sakin kanina.


Bigla niya akong nakita. Agad siyang lumapit sa kinahihigaan ko.


Nag-aalala ang kanyang tono.


"Dwight? Are you now okay?"


Mahinahon akong napatango. Pero napansin ko ang kanyang pamilyar na mga boses.


Si Liam ba to?


"Magpahinga ka muna." Ani niya.


At akoy napaidlip dahil di ko pa talaga kayang makipag-usap sa ngayon. I'm still trying to catch my breath.


LIAM


Kinalaunan ay muling nagising si Dwight. Mukhang nakapagpahinga na ng maigi at parang kaya ng magsalita.


Nilapitan ko siya.


"How are you feeling right now? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"Anong okay?" Biglang sumigla ang kumag. "Akala mo di ko alam na galing sayu yung muffins? My brother would never forget na allergic ako sa chocolates."


"At bakit parang ako yung pinagbibintangan mo?" Giit kong rason sa kanya.


"Theres noone out there na may galit sakin except you! At sino namang mag-aatubiling regalohan ako ng something na allergic ako?"


Panggap kong di ko alam sinasabi niya.


"Wooooow ang feeling lang ah."


"Wag ka ngang magmaangmaangan." At napaubo siya.


"Sige pilitin mong magsalita ng di kana talaga makahinga."


Nagside-eye siya sakin at nakataas bahagya ang kanyang upperlip showing disgust.


"Wala kabang plano tawagan parents mo?" Tanong ko kay Dwight.


Nagsignal siya na iincline ko yung kama niya.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon