Chapter 10: "Made by May"

200 15 0
                                    

DWIGHT


Pumunta ako ng mall dahil weekend ngayon. Di na nakasama sa'kin si Bright dahil busy daw siya sa project nila. Busy din sila mom
and dad sa furniture business namin. Mag-isa akong namamasyal dito sa mall at pagkatapos ay pumunta na ako sa favorite bakeshop ko, ang "Made by May".


Kilalang-kilala ko na ang may-ari ng bakeshop na si Miss May Basil. In person niyang minamanage yung bakeshop niya. Araw-araw ay naka-on-duty siya para nadin daw first hand niyang makuha yung comments and suggestions ng mga customers.


Pagpasok ko palang ay binati nako kaagad ni miss May nang nakita niya ko.



"Oi Dwight! Buti napadito ka uli." Masayang bati ni miss may sakin sa may counter.


"Let me guess, Strawberry Frappe?" Hula niya sabay ngiti sa akin.


"You really know me na talaga miss May." I smiled back.


"Abay oo naman. Regular customer ka na namin dito sa bakeshop ko haha. Roger, isang strawberry frappe nga for Mr. Dwight." utos niya sa isang crew.


"Oo nga pala Dwight. Wait for me doon sa table na yun. Hihingin ko sana comment mo sa bagong gawa kong muffin." Dagdag ni miss May.


"Sige miss May."


Umupo na ako sa table habang nag-aantay ng order ko. Dala-dala na ni miss May yung frappe ko tsaka yung muffin na tinabunan niya ng tinted bell jar para surprise siguro.


"Here's your order Mr. Dwight." She joyfully said. "Aaaaaaand, ito yung bagong gawa kong muffin na gusto kong ipapatikim sayo."


Binuksan niya yung belljar at nakita ko ang isang malaking strawberry muffin. Kumislap ang aking mata. STRAWBERRYYYYYY YEEEEE.


Pero biglang napapasok sa aking isipan ang mga sandaling muntik nako mawalan ng hininga dahil sa ginawa ni Liam. Napatanong ako kay miss May bigla.


"Uuuhm may chocolate filling bato miss May?" Pasimple kong tanong.


"Nako wala yang chocolate filling. Alam ko namang allergic ka sa chocolate ba't ko naman lalagyan yan?"


Oo nga naman.


Napangisi nalang ako at tinikman ang strawberry muffin. Kinagat ko ito nang dahan dahan. Nginuya ko ito at mukhang masarap naman. 8/10 siguro.


"Masarap ba?" She enthusiastically asked.


Napatango-tango ako.


"Hmmm. It tastes nice miss May. Mukhang magugustohan 'to ng mga customers mo." Tugon ko.


"Ganon ba? Oh sige balikan kita dito. Kukunin ko muna yung dalawang natirang muffin para ibigay sayo for free." Galaka na paalam ni miss May.


Napangiti ako. Ang saya lang tingnan ni miss May na personal na umaassist sa mga customers niya. It's an effective strategy na rin as a manager dahil alam mo sentiments ng mga customers mo first hand. I just wish her the best.


LIAM


Sunday at family day. Since busy si Dad sa school, as always, ay inanyayahan kami ni mom na magmall. Di na sana ako sasama dahil aasarin lang naman ako ng kapatid kong maldita pero bagot na bagot na ako sa bahay at sobrang boring kaya sumama nalang ako sa kanila.


Si mom yung nagdadrive nung pumunta na kami ng mall. Nagsicellphone ako at browse-browse lang sa IG. Grabe yung boredom mga ser. Halos humiga na nga ako sa upoan ng back seat dahil sa kabagotan.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon