Chapter 18: "Rhythm"

210 11 3
                                    

DWIGHT


Di ko na rin ito maintindihan si Liam. Oo I know I hurt him dahil sa sinabi ko pero sometimes he's getting out of hand. At nakipagsuntokan pa nga talaga sa kaibigan niya.


I still approached him the next day dahil I don't want to feel in-debted to him. I still have to grant his offer na maging tutor niya. Civil lang yung approach ko sa kanya and he is to me as well. Nakaupo kami sa open study table beside ng malaking soccer field ng university. Tumakip sa paligid ng aming mesa ang mga dahon ng punong mahogany. Habang nagbabasa si Liam ng textbooks ay nagsosolve naman ako ng personal assignments ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay padabog niyang inilapag ang kanyang textbook sa table at bahagya akong nabigla.


"Ano ba namang utak 'to oo walang pumapasok?! Perhaps di nalang din ako papasok next subject total wala namang naaabsorb utak ko." Ani Liam pero di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagsagot ng aking assignment.


"Makaalis na nga." Sabay tayo ni Liam pero hinila ko yung kamay niya para pigilan at pwersahan siyang pinaupo.


"Hoi Liam Falcon!" Hinampas ko ang aking kamay sa ibabaw ng table.


"Huwag mong tatarantadohin araw ko! Maupo ka diyan at sabihin mo sa akin kung anong di mo naiintindihan! Nadidiscredit pagiging tutor ko sayo!" Patapang kong tugon kay Liam at tila di siya nakaimik na parang batang pinagalitan ng kanyang magulang.


Unti-unti niyang niyuko ang kanyang mga ulo dahil sa sinabi ko. Kainis din kasi 'tong pinaggagawa nitong mukong na 'to. Pagkatapos ng ilang segundo ay dahan-dahan din naman niyang itinaas ang kanyang mga ulo at napatanong.


"Pero paano kung yung feelings ko ang di ko maintindihan?" Ani Liam habang bumabaling ng tingin sa aking mga mata.


Nastun ako sa sinabi ni Liam. Tila nahinto saglit ang kabog ng aking puso dahil sa kanyang pahayag. Biglang nabalot ng saglit na katahimikan ang paligid ko dahil sa sinabi ni Liam. Ano bang pinagsasabi nitong mukong nato?


"May topak karin eh ano? Mag-aral ka na nga lang d'yan." Sagot ko ka Liam pero naoawkward talaga ako.


Nakita ko siyang ngumingisi pagkatapos no'n. Wait di naman siguro ako nagbablush noh? Tinuloy ko ang pagsagot ng answer sheets at binabalingan parin ako ng tingin ni Liam habang ngumingiti. Nakapatong lang sa kanyang isang palad ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Inirapan ko lamg siya pero panay parin yung ngisi niya.


Nang natapos na ang aming klase ay hinanda ko ang aking bag palabas ng room. Biglang sumulpot na parang bula si Liam sa gilid ng upoan ko at nagulat naman ako. Nakaupo habang nakangisi ang kanyang mga labi. Nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa harapan ng kanyang baba na tila parang batang nag-aantay sa mga magulang niya. Ang weird na talaga ng pinagkikilos nitong mukong nato!


"Oh ano na naman?" Side-eye na tugon ko sa kanya.


"Sabay tayo pauwi." Nakangiting alok niya.


Nagtaka lang ang aking mga mata sa sinabi ni Liam. Nang walang ano-ano'y hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at hinila niya ko palabas ng room. At ako'y parang nahagip ng hangin at napasunod nalang din sa kanyang hatak.


Habang naglalakad kaming dalawa papuntang dorm ay tila nakangisi parin ang mukong at parang galak na binibilang ang bawat sulong ng kanyang mga paa. Nakadukot sa kanyang bulsa ang dalawa niyang kamay. Ano bang nakain nito't ganito kung umasta?


Nang naabot na namin ang hagdanan papuntang lobby ng dorm ay may biglang napatawag sa akin sa likuran.


"Dwight." Sigaw niya. Pamilyar ang kanyang barakong boses.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon