Chapter 16: "Closeted Tears"

216 13 0
                                    

DWIGHT


Ano ba kasing pinag-iisip mo't yun yung sinabi ml Dwight? Ang tanga-tanga mo naman!


Ani ng isip ko nang dali-dali kong pinanhik ang aking kwarto. Nakasandal ako sa likod ng pintoan ko. Kumakabog ang aking dibdib sa kaba. Malay ko bang nagtext pala siya kay Rex. Tsk.


Ikaw naman kasi, sa sobra mong alala kay Liam natsempohan mo pa talaga na nandon ang mama't kapatid niya and worst di kapa kumatok na parang pagmamay-ari mo yung kwarto ni Liam. Ba't ka ba kasi concerned kay Liam? Ewan ko sayo. -.-


Byernes na at salamat ay makakuwi na rin ako sa wakas ng bahay. Naipasa ko na rin yung math assignments namin ni Liam. Ako nalang ang tumapos sa mali-maling mga solutions ni Liam sa assignments. Ayoko na makadisturbo pat baka sabihin non na't nagchachansing ako sa kanya dahil bibisitahin ko na naman siya. Ilang beses ko na siyang kinita sa one week of rest niya and eventually mang-aasar yun na panay cling ko sa kanya.


Nang lumabas nako ng dorm para pumunta na ng klase ko ay siya ring pagpanhik ni Liam papasok ng dorm. Kita kong may pawis siya sa kanyang mukha at may kunting basa yung white tshirt na sinusuot niya.


Nahinto siya nung nakita niya ako.


"Bakit di ka pumunta kahapon sa room ko?" Napakaseryoso ng kanyang tono.


Wait? Tama ba naririnig ko? Bakit niya naman ako papupuntahin sa room niya kahapon?"


"Huh?" Taka kong tanong.


"Di ba mali-mali sagot ko sa math assignments natin? Bakit di mo ko kinonsult kahapon kung bakit mali yung sagot ko?" Seryoso parin ang kanyang mga tinig na may bahagyang pagkagalit.


"Aaaaah. So sinadya mo palang sagutin yun ng mali? Ano bang pinag-iisip mo Liam? Malapit na midterms. Kung di mo kayang magseryoso sa klase mo magseryoso ka man lang sa buhay mo. Kaya ka napapagalitan ng papa mo dahil jan sa kabalastugan mo." Ani ko kay Liam.


Nanlaki ang kanyang mata. Nagulat siya sa sinabi ko. Wait tama naman ah.


"You don't know what you're saying. Don't you even go there." Ngayon ay galit na ang kanyang pagkasabi non.


Umalis siya sa kinatatayuan niya at pumasok na ng dorm. Ramdam kong nagalit talaga siya sa sinabi ko. Ano ba namang mali sa sinabi ko? Tama naman ah. Kung di lang siya basagulero, di siya tatratuhin ng ganyan ng papa niya.


Pagkatapos niyang makapasok ay pumunta nako ng class baka malate pa ako.


Nang magbreak na ay pumunta nako ng cafeteria para magsnax. Naghanao ako ng mauupoan matapos bumili ng strawberry milk. Nakita ko si Rex isang table na mag-isang kumakain. Nilapitan ko ang kanyang kinauupoan.


"Loner ka ngayun ah." Sabi ko kay Rex sabay upo katapat niya.


"Oo di pa kasi gunagaling ankle ni Liam pero baka next week daw pwede na." Ani Rex habang matakaw na kinakain niya yung pagkain.


"Nga pala Rex, curios lang ako."


"Oo ano yun?" Habang matakaw parin na kumakain.


"Ganyan na ba talaga yang kaibigan mo?" Tanong ko kay Rex.


"Sino? Si Rex? Bakit ano na naman ginawa nun?"


"Well I mean bakit ang hilig mambasag trip nun? Ang hilig mangantsaw. Parang basagulero eh. May tupak sa isip most of the times. Like I knew lang kanina na sinadya pala niyang imali yung mga sagot niya sa math assignments namin for no reason. Kaya ayun nagalit ako pinagsabihan ko na kaya ganyan nalang ang treatment ng dad niya towards him kasi basagulero siya."


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon