DWIGHT
Pagkatapos ng lunch ay diretso na kami sa aming madalas na pinepwestohang study table sa gilid ng soccerfield ilalim sa puno ng mahogany. Pinagpatuloy ko ang pagtuturo kay Liam about sa math topic na di niya maintindihan. Habang nagpapaliwanag ako ay tila nakangisi lang si Liam na pinagmamasdan ako. Nakasandal ang kanyang siko sa mesa habang nakalapat sa kanyang kamay ang baba ng kanyang mukha. Nahihiya ako sa mga kinikilos ni Liam at napapangiti sa mga ito.
Di ako masiyadong nakakuha ng saktong oras ng tulog kagabi dahilan ng aking pagkaidlip. Consciously in my nap nararamdaman ko ang init ng sinag ng araw na dumadampi sa king mga pisngi. Then suddenly dumilim ang paligid ng aking nakapikit na mga mata. Dahan-dahan kong binuka ang mga ito at nasilayan ko ang mukha ni Liam na mariin niyang inilapat at iniharang sa sinag ng araw. Nanlaki at nahihiya ang aking mga mata sa minutong iyon.
Iba na ang aking nararamdaman sa tuwing binibigyan niya ako ng tingin. Nagdudulot na ito ng kilig at galak sa aking puso.
Agad kung pinunasan ang gilid ng aking mga mata baka may motang namuo dito't nakakahiya kung masisilayan ito ni Liam.
"Uhmm sorry nakatulog ako." Ani ko.
"You were kinda smiling when you were sleeping. Ako ba laman ng pagtulog mo?" Asar ni Liam sa akin.
"Assuming! Tapusin mo nga yang pinasasagot ko sayo tsk."
"Okay poooooo." Lalong kumyot si Liam sa kanyang tinugon na boses.
Jusmiyo lord ayoko mag-assume pero pota bat nakakaramdam na ako ng kilig kay Liam?
Patago ko siyang pinagmamasdan ng binaling na niya ang kanyang mga mata sa answer sheet na nakalapag sa kanyang harapan. Bigla akong napaiwas ng tumingin sa akin si Liam. Hay nako Dwight! >.<
For the next passing days ay pinagtuonan namin ng maigi ang aming studies ni Liam. Di ko namamalayan na sa mga sumunod na araw ay panay yong pagsasama namin ni Liam mostly sa mga study-out namin. Minsan napupunta kaming library para magreview. Tila nasisiyahan ang aking puso sa aking nasisilayan. Seryoso nang nag-aaral si Liam sa mga study-out namin. Minsan kasama namin si Rex pero mostly kami lang talaga dalawa since may kabuddy naman si Rex. I didnt notice na i tend to smile habang pinagmamasdan si Liam na nag-aaral ng mabuti.
Isang araw nalang at magmimidterm exam na. Pinagmasdan ko ang pintuan ng kwarto ni Liam nang makalabas nako ng room ko. Pupuntahan ko na sana si Liam para sabay na kaming pumunta ng school pero may pumigil sa aking isipan.
Baka isipin ni Liam na binibigyan ko ng halaga ang kanyang kinikilos tungo sa akin. Huwag na lang siguro at magkikita naman kami sa paaralan.
Bumaba nako patungong groundfloor. Di ko napigilan ang sarili ko't napatanong na talaga ako kay ate clerk kung nakababa na ba si Liam mula sa kanyang kwarto.
"Ate, nakababa na po ba si Liam?" Tanong ko kay ate clerk.
"Aahh oo sir Dwight. Maaga atang napababa si sir Liam." Ani ate clerk na nakaupo at nakharap sa kanyang computer.
"Aahh ganon ba? Sige po ate salamat."
Nang makaabot nako sa hallway papuntang room namin ay may unknown number na napatext sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/218536356-288-k335536.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]
Fanfiction[I Love You, Bastard!] Oras naman ni Dwight na ipagtanggol ang kanyang kakambal. He has been so grateful to him since then dahil only Bright has put up with his behaviour. He is his knight and shining armour every time napapagalitan siya ng kanilang...