Chapter 21: "New Admirer"

196 15 2
                                    

DWIGHT


Agad na lumipas ang isang araw at kinagabihan ay nagbihis nako para makapunta sa dinner ng pamilya ni Liam. Sinundo niya ko sa labas ng aking kwarto.


"Let's go?" Nakangising tugon ni Liam sa akin.


Habang nakasakay ako sa loob ng kotse ni Liam ay nakaramdam ako ng kaunting kaba for 2 reasons. Una, sa pagkakaalam ko strikto ang papa ni Liam then lastly makakaharap ko yung kapatid ni Liam na si Maya. Huehue nakakahiya talaga.


Nang narating na namin ang bahay nina Liam, pansin kong may kalakihan ito at malalaman mong marangya ang estado nila sa buhay.


Pinanhik namin ang loob ng bahay nina Liam. Unang bumungad sa akin si Maya ng binuksan niya ang kanilang pintuan.


"Moooom! Liam and his friend's already here." Tawag ni Maya sa mama niya sabay pasok naming dalawa ni Liam.


Napansin kong nakangiti lang si Maya habang pinagbubuksan kami ng pintuan. She seems teasing me. Napangiti lang ako sa kanya bati na rin at pinatuloy niya ako. Una kong napansin ang pagkalaki-laking chandelier na nasa sala nina Liam pagkapasok ko. Sunod na bumati ang mama ni Liam sa akin. Lumapit ako sa kanya at nagmano.


"Nako ang bait naman talaga ng batang ito." Ani Tita Agatha at akoy pinaupo na sa may dining area.


Inasist ako ni Liam sa aking pagkakaupo pero agad kong inalis ang mga kamay ni Liam sa aking upoan ng makita ni Maya yung ginawa ng kuya niya. Nakangisi lang si Maya na nakaupo sa kabilang side ng table. Si Liam naman tabing umupo sa akin.


Nang inihain na ng kasambahay nila ang pagkain ay napansin kong wala pa ang papa ni Liam at napatanong ako sa kanya.


"Asan na yung papa mo?"


"He's on his way na daw from school." Sagot ni Liam sa akin sabay ayos sa table cloth on his lap.


Napapansin ko paring nakatitig sa amin si Maya at nakasmile. Napakanosy din nitong batang to. Napapaiwas din ako ng tingin at napapasmile na din pag nagkakaabot yung mga mata namin.


Few minutes later ay dumating na yung papa ni Liam. Tumayo si Liam para magmano. Ganon na rin si maya pero may kasamang halik sa pisngi ang kay Maya.


"Good Evening po sir." Bati ko sa papa ni Liam sabay smile at tango niya sa akin.


Nakaupo ang papa niya sa may masters chair. Magkatabi kaming nakaupo ni Liam samantalang nasa kabilang banda magakatabi naman ang mama at kapatid niya.


When we were ready to eat ay napatanong na yung papa ni Liam sa akin.


"So you're Mr. Dwight Dela Verde?" While preparing his table cloth on his lap. "I guess nakita na kita sa university di ko lang matandaan." Napaisip yung papa ni Liam.


Sana wag niya maalala na ako yung kaaway ni Liam sa cafeteria one time. Baka mapagkamalan pa akong basagulero nitong papa ni Liam. -.-


"I think nakita na kita eh. Pero anyways, I invited you for dinner because I just want to thank you for tutoring my son with his studies. Ever since na naging tutor ka niya his grades became good. And I really appreciate your help." Ani Mr. Falcon.



"Walang anuman po yun Mr. Falcon kabuddy ko din po kasi si Liam so I guess I had no choice." Pabiro kong sabi at napatawa sila.


"Dwight..." ani Liam sa gilid ko.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon