Chapter 13: "Aso't pusa"

197 14 0
                                        

DWIGHT


Nasa isang thai restaurant kami ng family ko kasi it's Saturday, family day. Si Bright ang nagplano na doon kami kakain since regular customer na daw siya dito dahil madalas ay dito siya kumakain 'pag vacant hours niya sa klase. Five minute ride lang kasi ito from Don Juan Engineering University.


Habang masaya naming kinakain ang aming thai dishes ay may biglang sumulpot sa aming table.


"Alex ikaw ba yan?" Galak na tanong ni mama.


Napatingin ako sa lalski at si Alex nga.


"Hi po tita, hello po tito." Sabay mano kina mom and dad. "Hi Bright. Hi Dwight." Sabay tango niya sa'kin.


Save the best for last ika nga lol.


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Alex.


"Aaah. Kasama ko family ko dito. Dito kami madalas pumupunta pag nagkecrave si mama ng thai foods." Nakangising sagot ni Alex.


Tumango lang ako habang hawak-hawak ang kutsara't tinidor.


"Iho maupo ka muna." Alok ni papa kay Alex.


Umupo naman si Alex sa tabi ko. Kinilig ako kunti. Char.


"Dwight, nga pala saktong-sakto may showing ngayon na bagong pelikula. Nood tayo treat ko para doon sa pagtulong mo sakin sa assignment ko." Alex said quietly.


"Di mo pa rin ba nakakalimutan yun? Haha okay lang naman yun Al. Di ka naman iba sakin eh. Huwag mo na isipin yun." Mahinahon kong sagot kay Alex.


"Ehem ehem. Sige na anak, samahan mo na si Alex. Total we had time naman dito sa restaurant. Huwag mo na kaming alalahanin pa." Tugon ni mama. Narinig niya ata usapan namin ni Alex lol.


"Uuuhm. Okay."


"Yes!" Galak na sabi ni Alex. "Sige po tita tito magpapaalam muna ako kina mom and dad." At pumunta na si Alex sa kinauupoan ng mama at papa niya para magpaalam.


Habang tinatapos ko yung pagkain ko, napansin kong nakatitig sakin si Bright. Nanghihinala at nang-aasar ang kanyang mga tingin.


"Hmm. Akala ko ba ay abala ka sa plano mo kay Liam. Di ko alam na may pinagkakaabalahan ka rin palang iba." Asar ni Bright sakin.


"He just needed my help. Yun lang yun." Sagot ko kay Bright pero nakangisi parin siya.


"Alam kong may crush ka do'n since highschool Dwight di mo lang maamin kaya wag mo kong lokohin." Ani Bright habang nakangisi.


"Ano kaba hinaan mo boses mo baka marinig ka nina mom and dad!"


"Akala mo ba di ko alam na iba tingin mo do'n nung bumisita sa bahay natin si Alex?" Patuloy na asar sakin ni Bright.


"Oo na oo na. Pero noon pa yun. Wala na ngayon." Nga ba? Haha.


"Ganon ba?"


"Uh uh." Pabebe kong sagot kay Bright.


"Ang harot mo!" Ani Bright sabay point ng fork sakin.


After few moments ay bumalik na si Alex sa table namin. Nakangiti siya. Mukhang pinayagan ata ng magulang niya.


"Ah tito tita hiramin ko muna saglit si Dwight." Ani Alex na bahagyang nakayuko ang katawan na pawang magalang na nagpapaalam.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon