Chapter 2: "Hello my old fag admirer"

301 24 0
                                    

LIAM


Dinilat ko ang aking mga mata at pumatong sa mukha ko ang sinag ng araw. It seems everything's gonna be great today i reckon. Unang araw na ng pasukan pero di pa ako nakakapagpaenroll. Pero no pressure, my dad is our school's director.


Bumangon na ako't naligo. Hinubad ko ang aking tshirt, yung shorts ko tsaka yung boxer ko at nagshower kaagad.
Ninamnam ko ang sarap ng mainit na tubig ng dumaloy na ito sa aking katawan. Pagkatapos kung maligo ay nagtoothbrush na ako. Kailangan alagaan ang pamatay na ngiti mga ser. Ang tawag jan ay "nanghuhubad na mga ngiti". Yung tipong ngiti ko palang sa mga makakasalubong kong kababaihan pati narin kabaklaan ay matutunaw na sila. Nagwink ako sa salamin sabay smile with a shiny teeth at bumaba na para mag-almusal.


"Nakahanda naba lahat ng gamit mo anak?" Tanong ni mama na katapat kong kumakain.


"Yes po ma."


"Dahan lang sa pagkain anak malayo pa naman ang oras." Ani mama nang nakita niya akong mabilis na kinakain yung bacon sabay inom ng gatas.


"I bet mambabasag ulo na naman yan kahit college na. Pusta ko pa allowance ko diyan." kantsaw ng kapatid kong si Maya na ubod ng ganda pero ubod din ng kasungitan pagdating sakin >.<


Di ko alam kung saan pinaglihi ni mama itong kapatid ko at ang suuungit-sungit pagdating sakin. Pero love ko parin yan dahil nag-iisang prinsesa namin yan hehe. At dinilaan pa talaga ako urgh. Epal talaga tong batang to.



"You be good sa University Liam. Hindi na yun katulad ng highschool na pwede kang mambasag ulo don." Seryosong paalala ni papa habang nagbabasa ng newspaper at iniinom yung kape niya. "I'm the school's director. Don't do anything that would put my name at risk."


"Opo sir." Mahinahon kong sagot kay papa.


Ever since elementary palang, palagi nalang nakokonsimisyon yung papa ko sa mga pinaggagawa ko. Palagi siyang pinapatawag sa school namin eh ayaw naman pumayag dahil di daw niya maisingit sa trabaho niya dahilan para si mama nalang yung pumunta.


Disiplinado yung pamilya ni papa. Mahigpit ang upbringing nila kaya ganoon narin siguro siya kastraight forward magsalita. Pero kahit anong disiplina ni papa sakin ay hindi ko ito masunod-sunod. Siguro attention seeker ako sa kanya.


Matagal na akong may tampo kay dad. Sa mga family events ng school namin ay palagi syang wala. Busy daw sa trabaho. Kaya siguro sinasadya kong mambasag ulo sa school namin from elementary until high school dahil nagbabakasakali akong maisingit ito ni dad but i failed, he failed. Oo alam kong ginagawa niya yung trabaho niya for our future. Pero kahit ni isang family event hindi siya nakasipot? Anong klaseng magulang yaan? You should at least support naman your kids sa school diba at least?


Good for Maya walang pakialam yung batang yun kung sisipot si mama or papa sa mga school events niya eh wala naman kasing problema 'tong batang 'to. Ako pa siguro may problema dito dahil sa palagi nitong pagsusungit sakin. -.-


Pinasok ko na lahat ng gamit ko sa kotse ko at nagdrive na papuntang school. Narating ko na ang gate ng St. Thomas-University at hininto
ko saglit ang aking kotse. Binalingan ko ng tingin ang entry ng university where i'll eventually waste my 5 year time i suppose haha. Baka sobra pa nga ng limang taon magiging duration ko sa school nato eh.


"More basagulero moments? Let's go!"
Joke lang patay tayo kay papa haha.


Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot ng campus dorm. Ilalagay ko muna itong mga gamit ko sa room. Tumungo ako sa lobby ng dorm at nag-inquire.


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon