Chapter 12: "Blanket"

209 15 0
                                    

DWIGHT


Past 12 midnight na akong nakatulog dahil sinolve ko pa yung ibang math problems. Pinartial solve ko 'ibang madadaling questions para mabawasan naman ito para bukas.


I wouldn't jeopardize my grades dahil lang sa mukong na Liam na yun. I wouldn't mind at all kung tutulong siya sa pagsosolve ng assignment since ako naman makakabenefit nito after all. Pero sana naisip din niya na 25% to sa prefinals namin. He should at least put some effort kahit kunti diba? Pero teka lang bakit na naman ako concerned sa mukong na yun? Bahala siya sa buhay niya!


"Help me."


Poker face ang kanyang mukha habang sinasabi sakin yun. Hindi siya nakatingin sa aking mga mata habang nakaupo sa gilid ng aking upoan. Hindi pa kasi dumating kaseatmate ko.


"Uhm what did you just say?" Tanong ko kay Liam dahil milagro na una talaga siyang lumapit sakin.


Mapapansin mo sa kanyang nakayukonh mukha na hindi naman siya galit. Nahihiya o baka naman napipilitan lang siguro 'tong lumapit sakin lol.


"Ang sabi ko help me sa math assignments." Dagdag niya habang nakayuko parin yung mga ulo niya pero maattitude pa rin.


Nakangisi lang ako habang tinitingnan siya. Nakasandal yung isa kong kamay sa likod ng aking upuan.


"Pero kung ayaw mo wag nalang!" Strikto niyang dagdag dahil di ko siya nasagot agad agad. Abay mapride din talaga tong mukong nato eh ano?!


Dali-dali siyang bumalik sa upoan niya at nakasimangot ng sinundan ko ito ng tingin. Nakangisi lang ako habang tinitingnan siya. Nakakrus ang kanyang mga kamay at naiinis ang kanyang mukha dahil sa di ko pagsagot sa tanong niya.


At some point naisip kong I have to help him with his assignment kasi I remember noong pinagalitan siya ng papa niya. Ang lala no'n. Tanda ko pa yung kalabog ng mga tapon ng gamit niya sa kanyang kwarto. I know for a reason na it really hurts na mapsgalitan ng parents mo dahil naexperience ko iyon first hand.


So pagkatapos ng klase ay napagdesisyonan konh puntahan siya sa kwarto niya. Kinatok ko yung kanyang pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking mga mata ang kanyang twink na katawan. Nakatowel lang yung pambaba niya galing siguro nagshower. Napatitig ako saglit sa hubog ng katawan ni Liam habang pinupunasan niya yung basa niyang buhok.


"Oh anong kelangan mo?" Masungit na tanong ni Mr. Frown Guy dahil nagtatagpo na naman yung mga kilay niya habang sinasabi ito.


[sighs] "Even though na napipilitan lang ako sa gagawin kong 'to, okay i'll help you with your assignments." Alok ko sa kanya.


Nagtaka yung mga tingin niya pero unti-unti namang lumiwanag ang mga ito.


"So let's start?" Sabay pasok ko sa kwarto niya pero hinarang niya agad ako.


"Hep hep. Sinong may sabi sayo na dito tayo sa kwarto ko magsastudy?"


"Huh? Eh saan mo naman gustong magstudy? Nandito na ako sa kwarto mo. Dito nalang." Tanggi ko.


"No! Noone is allowed to enter my room without my permission unless you have bad intentions to do so like what you did the last time na di ka man lang kumatok." Sambit sa akin ni Liam.


"Kumatok nga ako. I even knocked..."


Di ko pa natapos sinasabi ko pero pinagsarhan nako ng pinto ng mukong. Wala talagang modo tong Liam nato. Bitchesa!


I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon