LIAM
Tanaw ko ang mga babae sa bleachers ng basketball gym habang nakaupo kami sa huddle area namin para maghanda sa practice game namin. Kita kong nagbubulongan sila sa isa't isa at para bang kinikilig sa kanilang nasisilayan. What is LIAM FALCON DIBA? HAHAH LOL.
"Grabe talaga yung kagwapohan mo dude nang-hihikayat ng mga girl audience." Pabirong sabi ni Rex habang nakatingin sa bleachers at inaayos at tinatuck-in yung basketball shorts niya.
"I know dude haha." Sabi ko kay Rex habang nakaupo at inaayos yung sintas ng sapatos ko.
"Teka asan na ba kasi si Alex? Kanina ko pa tinext yun ah. Bakot wala pa siya dito?" Tumayo ako't nakapamewang. Binaling ko yung tingin ko sa paligid ng gym.
Nakita ko si Alex na kasama yung gagong Dwight na yun papasok ng entrance ng gym. Nakangising nag-uusap yung dalawa. Ano kayang ginagawa nitong gunggong nato dito? Sumimangot ako.
Pagkatapos nilang mag-usap ay kumaway na si Alex para magpaalam at umupo naman si Dwight sa bleachers. Dali-daling tumakbo si Alex papunta sa'min.
"Dude ba't ang tagal mo? Kanina pa kita tinitext ah? First practice game natin ngayon ta's late kapa. Buti nakang at wala pa si coach dahil may kinakausap pa daw siya kundi napagalitan ka na no'n." Tugon ko kay Alex.
"Hinintay ko kasi si Dwight na makababa sa room niya kasi magpapatulong ako sa math assignment namin." Sagot ni Alex sakin habang nakahubad yung pantaas niya sabay suot sa kanyang jersey shirt nang madalian. Nakajersey shorts na kasi siya papunta rito at nakapambasketball shoes na rin.
"Mukhang napapadalas na yang pagsasama niyo ng Dwight na yun ah." Pahayag ko kay Alex sabay tingin sa bleacher sa kinauupoan ni Dwight.
Nakangisi lang si Dwight habang nakaupo. Nakatungkod ang kanyang dalawang kamay at tila ganang-gana ang kanyang mga ngisi. Yung tipong maaasar ka talaga? Yung winawala ng sadya yung kanyang mga mata kapag ngumingisi at nagmemake ng cute face? Urgh kairita!
Dumating na yung coach namin at umayos na kami para sa practice game.
DWIGHT
Habang nakaupo ako sa bleachers para antayin si Alex dahil magpapatulong daw siya sa assignment niya sa math ay nagbabasa muna ako ng Advanced Algebra na libro para di masayang yung oras ko. Sa lahat ng subjects, mathematics talaga yung favorite ko. Yung alam mo talagang may formula sa lahat ng problem. And with that said makakakuha ka ng solution and eventually you'll get the right answer.
Just like this problem with Liam Falcon. Up until now di ko pa talaga makuha yung formula on how to get back with this jerk. Sinusubukan ko pang kilalanin talaga 'tong mukong nato. Yung mga gusto't ayaw niya. Because that's the basic plan to get back. Use his dislikes to irritate him so he would be agitated.
At sa hinaba haba ng pinag-iisip ko di ko namalayan na nakatuon na pala yung mga mata ko kay Liam sa mga sandaling iyon. Erase erase tsk.
Paano ba kasi gawan ng formula 'tong problema ko towards Liam? Unpredictable din kasi 'tong lalaking ito.
Nang matapos na ang kanilang practice game ay bumaba nako ng bleachers para sumabay na sa kanila papuntang cafeteria para maglunch.
BINABASA MO ANG
I Love You, Bastard! [MewGulf - BoyxBoy]
Fanfiction[I Love You, Bastard!] Oras naman ni Dwight na ipagtanggol ang kanyang kakambal. He has been so grateful to him since then dahil only Bright has put up with his behaviour. He is his knight and shining armour every time napapagalitan siya ng kanilang...