CHAPTER ONE

4 0 0
                                    

Nang mamatay ang lola ko, dalawang buwan kong tiniis ang sakit ng maulila sa pamilya, sa loob ng dalawang buwan, sinikap kong maging malakas at nagpakatatag. Umalis na ako sa apartment na tinirhan naming ni lola at nagrent nalang ng dorm malapit sa university na papasukan ko. Ang swerte ko kasi dalawa lang kaming nasa kwarto. Si Carl, magkaparehas kami ng college pero magkaiba kami ng course. Siya Major in marketing management ako naman major in human resources and management. So in short, bago magstart ang pasukan, siya na yung naging kaibigan ko. Doon lang dumagdag sila Patricia, Daniel aka Daniela. Sila yung mga nakaclose ko sa university. Si Pat naman magkaparehas kami ng course at section si Daniel naman kaklase ni Carl. Nagsimula ang barkada namin noong freshmen orientation hanggang lumipas ang ilang buwan at natapos na ang 1st sem, kami parin ang magkasama. ang matindi pa niyan, kaming apat yung nanominate to become the college council ng business ad. Si Pat nanominate as Vice president, si Daniel naman ay Secretary, si Carl naman Council for Finance at ako naman yung nanominate as President.

2nd Semester 1st quarter

Sa classroom habang nagkakaron ng election para sa mga isasali sa partidong Likas.

"Okay, now that we have our list of officer for partidong likas, we all need you to come up with an idea on how will you promote your team okay? Bukas na bukas kailangang marinig ko na ang mga plataporma niyo okay?" sabi sa amin ng dean namin na si Mr. Frederick Tang.

"Yes po dean!" Sagot ng lahat.

"Okay see you tomorrow! Have a nice day!
pagpapaalam sa amin ni dean Tang.

Habang nagaayos kami ng mga gamit namin, na-usap kami ng partido ko about sa magiging plataporma at mga idea sa campaign. Paglabas namin ng class room, lumabas din sa kabilang side ang kabilang partido.

"Tignan niyo mukang matatalo tayo sa mga yan eh, magagaling yan sila magsalita diba?" Sabi sa amin ni Daniel.

"Ano ka ba Daniel! Walang mangyayari sayo kung nagpapaapekto ka diyan sa mga yan." Sagot sa kanya ni Pat.

"Alam mo Daniel tama naman si Pat, hayaan mo nalang yang mga yan! Matatalo din natin yan sila!" Sagot ko sa kanya.

"Oh eh teka lang, san tayo magmimeeting?" Tanong ni Carl.

"Hmm, Sa may gilid nalang ng court diba may mga table don, don nalang tayo." Sagot ko sa kanila.

"Oh sige mag lunch muna kayo ha, sige let's meet there before 1pm!" dagdag ko.

"Hanggang anong oras tayo Gab? Diba bibisitahin mo pa yung family mo sa simenteryo?" Tanong sa akin ni Carl.

"Hanggang 3 lang then aalis na ako." Sagot ko kay Carl.

"Ahh O sige tara na kain na rin tayo nagugutom na rin ako eh!" Sabi sa amin ni Carl.

After that, dumeretso na kami ng canteen at kumain na then nagpunta na kami sa meeting place at habang hinihintay naming yung ibang kasamahan namin, nagbiruan muna kaming apat.

"Hays, kelan kaya ako magkakajowa?" Tanong ni Pat sa amin.

Nagcecellphone kaming tatlo ng walang sumagot sa tanong ni Pat.

"HOY! Di niyo ba ako naririnig? Ang sabi ko kelan kaya ako magkakajowa?" Paulit na tinanong ni Pat sa amin.

"Ha? Kami ba kausap mo be?" pagbibirong tanong ni Daniel.

"Hays! Kakacellphone mo yan kaya bingi ka na!" Sagot ni Pat.

"Bat mo pa kasi iniisip na magkakajowa ka? Nakabuka na ba yang rosas mo diyan at hiyang na hiyang ka nang magpaligaw?" Birong tanong ni Daniel.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now