CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    

"Panigurado akong si Liam ang may pakana nitong paglalagay ng mga bato sa bag nitong dalawang to." Sinasabi ko sa isip ko habang naglalakad sa likuran niya.

"Uhm, Aming alalay, pwede bang pakuha ng tubigan ko sa loob ng bag ko?" Utos sa akin ni Drew.

"Bobo, puro bato laman ng bag niyo, inumin niyo yung bato ha! Mga hangal!" Bulong ko sa kanila.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Drew.

"Ah wala, sabi ko, eto na hahanapin ko na." Sabi ko sa kanya sabay binuksan yung bag. Kinuha ko yung water bottle niya at iniabot sa kanya.

"Oh!" Sabay abot kay Drew.

"Salamat!" Sagot niya sa akin ng kunin ang water bottle niya.

"Oh, bro, san nga pala tayo kakain?" Tanong ni Axel kay Liam.

"Pwede bang sa mall nalang tayo kumain? Paulit-ulit lang kasi mga pagkain dito sa canteen nakakasawa na rin." Tanong ni Drew sa kanilang tatlo.

"Oh sige sa Mall nalang tayo. Tara na!" Sagot ni Liam.

"Teka, teka? Ano isasama niyo parin ako?" Tanong ko sa kanila.

"Aba malamang, remember? Pagsisilbihan mo kami?" Tanong ni Axel sa akin.

"Eh, may klase ako ng 9 am hindi ako pwedeng umabsent major ko yun!" Sagot ko sa kanila.

"Oh, anong oras palang ba?" Tanong sa akin ni Drew.

Tumingin ako sa relos ko at napansin kong 8:30 palang.

"Bakit? Saang mall ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

Napansin kong nagkatinginan si Axel at Drew at nagngitian sila na para bang nang-aasar.

Ilang saglit pa ay sumakay na kami sa loob ng kotse ni Axel at pumunta kami sa MOA.

"Hoy! Mga tarantado kayo! 10 minutes nalang magsisimula na klase ko! Bakit dito pa tayo nagpunta?" Naiinis na tanong ko sa kanila.

"Bakit? May angal ka? Kami nga nalelate sa klase di naman bumababa grades namin noon ha atsaka isang bes ka lang naman namang aabsent eh." Sagot sa akin ni Axel.

"Atsaka kapag may klase lang kami, doon ka lang pwedeng pumasok sa klase mo okay?" Sagot ni Drew sa akin.

"HA? Eh mga P*tang*na niyo rin pala kayo eh!" Sagot ko sa kanila.

Nainis sa akin si Axel at aambahan niya dapat ako ng suntok pero pinigilan sila ni Liam.

"Tama na yan! Kumain na tayo, tapos ihatid na natin tong batang ito sa klase niya baka umiyak pa to kapag di nakapag attendance." Sabi sa kanila ni Liam.

"ABA! WOW, may concern ka rin pala sa akin! Sige hinahamon mo pala ako eh! Iisang attendance lang iiyakan ko? Ako pa?" Nagmamayabang na sagot ko.

Nagngitian silang tatlo at sabay naglakad na papasok ng mall.

Mga isa't kalahating oras kaming nagpaikot-ikot at kumain sa loob ng mall. And guess what. Naglaro pa sila sa arcade sa loob ng isa't kalahating oras na yun. Imagine, kalahati na ng oras ang naconsume sa klase ko. Ilang missed calls at text messages ang narereceive ko kay Carl at Patricia.

Pagdating namin sa school, dahan-dahan akong pumasok sa room at nang mapansin ako ng prof ko...

"Mr. Cruz! Bakit ka late?" Tanong sa akin ng prof ko.

"Sorry po ma'am, najebs lang po ako." Alibi ko nalang sa kanya.

"Well, wala akong pakeelam, dapat maaga palang nilabas mo nay an, at dahil diyan, you're absent in my class. Sige na umupo ka na!" Sagot sa akin ng prof ko.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now