CHAPTER FIVE

1 0 0
                                    

Dalawang oras ang lumipas sap ag-aasikaso namin ng mga kagamitan namin para sa campaign. Natapos na naming ang ilang madadaling tapusin gaya ng design sa booth. Ngayon ang gagawin naman namin ay ang pagpapractice ng aming introduction para sa room to room campaign.

Isa isa kaming tumayo sa harapan at nagpakilala at inilatag an gaming mga plataporma.

Unang sumalang si Michael.

"Magandang Umaga sa inyong lahat, Isang maituturing na likas ang pagbibigay tulong sa inyong mga kapwa ko estudyante, kaya't naririto ako ngayon sa inyong harapan upang ipahayag sa inyo ang aking mumunting aksyon para sa inyong magiging maayos na paninilbihan sa ating sinisintang unibersidad. Ako po si Michael Dimaalang, bilang inyong Councilor for Internal Control, ang aking ilalatag na aksyon sa inyo ay panatiliing maging payapa at tahimik an gating kolehiyo sa mga away at gulo na posibleng mangyari sa anumang oras..."

Napatulala kami sa kanyang pinagsasasabi, grabe tagalog na tagalog ang kanyang mga salita. Pagkatapos niyang magsalita, nagpalakpakan ang mga kasama namin sa loob ng room. Napalingon ako sa kanila at nang makita ko sa likod si Liam na nakatingin sa akin at binibigyan ang ng "Oh ano, kaya mo yon? Look". Sinimangutan ko lang siya atsaka humarap na.

Sumunod na sumalang ay si Zoey. Siya naman, pinakita niya ay simple lang nagpakilala lang siya at ibinahagi sa amin ang kanyang plataporma. Nagpalakpakan din kami nang pagkatapos niyang magsalita.

Sumunod na sumalang si Carl. Medyo may pagkamasiga siya kung magsalita at doon ipinakita din niya ang husay niya sa pagbibitaw ng mga salita at dahil don, napahanga niya ako.

Sunod na nagsalita si Daniel tapos si Pat at ako ang pinakahuli. Nang ako na ang magsasalita, napansin kong lumipat si Liam ng upuan at umupo sa harapan. Doon ako nakaramdam ng pressure dahil mukang hinahamon ako nitong lokong ito. Syempre senior din namin siya for sure may mga naexperience na rin itong ganito noon sa previous school niya.

"Uhm, magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Gabriel Cruz.. ah." Naputol yung pagsasalita ko nang biglang magsalita si Pat.

"My God! Gabriel! Ganyan na pagpapakilala mo? President ka pa naman!" Sabi sa akin ni Pat.

"Bili na ayusin mo!" Sabi sa akin ni Daniel.

Napasulyap ako ng kaunti kay Liam at nakita kong winewave niya ang kanyang ulo at inalis ang tingin sa akin na para bang nadisappoint.

Nang mapansin ko na lahat sila parang di satisfied sa pagpapakilala ko saka ko naalala lahat ng mga prinactice ko na salita.

"Magandang umaga sa inyong lahat, aking ipinapakilala sa inyo ang partidong inyong maaasahan, masasandalan at makakapitan, likas ang serbisyong ilalaan para sa kapakanan ng bawat estudyanteng mamamayan. Mula sa aking sarili ang tumatakbong pangulo ng Partidong Likas na sa inyo'y magbibigay lunas. Mga hinaing ninyo'y aming papakinggan at para gumaan ang inyong kalagayan. Ako po si Gabriel Cruz ang mangunguna at lalaban sa inyong mga kapwa ko estudyante't kababayan. Muli, inyo pong iboto sa halalan ang partidong Likas. Likas sa serbisyo, likas sa gawa, likas sa bawat oras."

Pagkatapos kong magsalita, nakita kong napatulala sila sa akin, pagsulyap ko kay Liam, napatulala din siya at saka tumango tango na para bang sinasabing "Aba, may ibubuga din pala." Nagpalakpakan ang lahat sa loob ng room at doon nakaramdam ako ng kaunti pagkahiya at napaupo na sa upuan na inuupuan ko.

"Grabe Gab, hindi kita mareach sa sinabi mo!" Sabi sa akin ni Pat.

"Wala yun, kailangan eh." Mahiya-hiyang sinabi ko kay Pat.

Naputol ang usapan naming ni Pat nang biglang tumayo si Liam at nagpaalam na.

"Mauna na ako sa inyo, may kikitain lang ako." Sabi ni Liam sa amin.

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now