CHAPTER THIRTEEN

2 0 0
                                    

Pagkatapos naming magcelebrate ng mga kapartido ko, nagkahiwa-hiwalay na kami. Hinatid ni Pat at Daniel sina zoey at Michael habang kami namang tatlo nina Carl at Liam ang nagsabay pauwi. Lasing na lasing si Carl kaya't napagpasyahan ni Liam na samahan na kaming umuwi sa dorm.

Habang naglalakad kaming tatlo at habang akay akay naming si Carl na sobrang lasing na, kinausap ako ni Liam tungkol sa nangyaring post tungkol sa nangyaring pag saksak sa kanya ng holdupper.

"Gab?" tinawag ako ni Liam habang inaakay naming dalawa si Carl.

"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kamusta ka na?" Tanong sa akin ni Liam.

Nagtaka ako sa tinanong niya sa akin.

"Okay naman? Parang kanina lang tayong magkasama, yan na agad ang linyahan mo." Sagot ko sa kanya.

"Nakuwento kasi sa akin ni Carl noong isang araw yung nangyari sa iyo, na pinaguusapan ka buong school dahil sa nangyari sa akin." Sagot ni Liam sa akin.

Napatingin ako sa kanya at napa-isip sa nangyari sa akin.

"Hayaan mo na, kasalanan ko naman talaga yun kung bakit ka nasaksak eh." Sagot ko sa kanya.

"Para kang sira! Huwag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Kung hindi ako yung nasaksak, panigurdo akong ikaw yung mapupuruhan at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sayo." Sagot niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya nang masabi niya sa akin ang huling linya ng sinabi niya sa akin. Nakaramdam nanaman ako ng kaba ng mga oras na iyon. Nakakabuwisit namang feeling to oh! Bakit ko ba kasi to nararamdaman.

Nang makarating na kami sa tapat ng dorm namin, biglang nagsalita si Carl.

"Oh! Bat magkasama kayong dalawa?" Tanong ni Carl sa aming dalawa habang hilong hilo at lasing na lasing.

"Nagkabati na kayo no? Alam niyo... para kayong magjowa! Away bati! Bat kasi hindi nalang kayo magkatuluyan!" Sabi sa amin ni Carl.

"Kunwari pa kayo eh!" Dagdag pa niya habang pagewang-gewang na pumasok sa loob ng dorm.

Napatingin naman ako kay Liam at napatingin din siya sa akin. Nakaramdam kami ng pagka-ilang sa isa't-isa.

Sinira ko yung moment na yun nang maisipan ko nang magpaalam sa kanya.

"Oh, pano ba yan, kitakits nalang bukas." Sabi ko kay Liam.

"Sige, sunduin kita?" Tanong ni Liam sa akin.

"Huwag na! magkita nalang tayo sa labas ng siminteryo bukas!" Sabi ko kay Liam.

"Okay! Mmm...Mauna na ako." Sabi niya sa akin.

"Osige ingat!" Sagot ko sa kanya.

Naglakad na si Liam nang maisipan kong tawagin ulit siya.

"Uhm, Liam?"

"Yes?" Sagot ni Liam sa akin.

"Ahh, Thank you! Sa... kanina" Sagot ko sa kanya.

"Sure, no problem!" Sagot niya.

"Sige, papasok na ako." Sagot ko.

"Okay, goodnight!" Sabi niya sa akin.

"Goodnight!" Sagot ko sa kanya.

Nang maglakad na papalayo si Liam, napasulyap ako sa kanya. Nang makasakay na siya ng taxi, napasandal ako sa pader na nasa tabi ko at napahinga ng malalim. Biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi sa amin ni Carl kanina. "Alam niyo... para kayong magjowa! Away bati! Bat kasi hindi nalang kayo magkatuluyan!"

Our Story 2: Can't EscapeWhere stories live. Discover now